Sa totoo lang e ilang beses kong sinubukan ang magsulat ulit. Mahigit sampu na ata ang nakadraft dito sa pahina ko. Ewan ko kung bakit di ko magawang ipost. Palagay ko e di lang talaga gaanong mahalaga. O, nagbago na ang isip kong magkwento.
Oh well papel.. Ano nga bang kaganapan sa buhay ko matapos ang mahigit isang buwan ko atang pananahimik? Naging abala ko. Sa kaibigan, trabaho, facebook, problema at sa ilang personal na pangyayari sa buhay ko.
Masaya ako. Yan lang ang tanging maibabahagi ko sa ngayon.. Kaya lang 'yang sayang yan may kapalit yan e. Marami ang nabago sa buhay ko. Syempre pag masaya ka, pahahalagahan mo yung bagay na nakakapagpasaya sayo. Kaya yung extrang oras ko, nilalaan ko dun sa dahilan kung bakit sumasaya ako.
Dahilan kung bakit nawawalan na rin ako ng oras sa ilang taong minsan ng naging bahagi ng buhay ko.
Napagtanto ko nalang na may mga taong minsan ng naging importante sa akin ang wala na sa buhay ko ngayon. Pero bago naman ako maging masaya't lahat, alam kong nabanggit ko na sa isang kaibigan na yun na ang magiging huli. Ang huling pagtitipon na sasamahan ko. Nung una akala ko e di ko kakayanin. Sadyang nasa tao nga naman kung paano mo padadaliin ang ilang bagay kesa panatilihing komplikado.
Sadyang ganoon nga ata ang buhay. May mawawala at may dumarating.
Leave all things behind..
Tuesday, December 4, 2012
Thursday, November 22, 2012
Thursday, October 18, 2012
Nasaan ka ligaya?
Nitong mga nakaraang linggo, depressed ako. Ewan ko ba. Parang nawalan na ko ng gana sa buhay. Nakakapagod. Wala na kong ganang pumasok. Parati nalang mabigat ang pakiramdam ko. Bihira na rin akong kumain. Kung nakasanayan ko na ang di pag-aalmusal, ngayon sanay na rin akong hindi maghapunan. Pagod na ko. Sa tuwing lalabas ako kasama ang mga kaibigan ko, pinipilit kong ipakitang masaya ako. Walang inaalala, walang bumabagabag. Pinipilit kong tumawa, magpatawa, ngumiti na parang ayos lang ang lahat. Iinom. Pero minsan pakiramdam ko di na kaya ng katawan ko na kumonsumo ng alak. Ayos kasi yung pagpapanggap ko epektibo. Wala ni isa man sa mga kaibigan ko ang nakakapansing may kung anong di ko maipaliwanag akong pinagdadaanan.
Hindi ko alam kung saan ang direksyon ng buhay ko pero parang wala. Pinipilit kong ayusin ang sarili ko pero di ko magawa. Lumalabas ako para maging masaya pero pagpasok ko sa kwarto at ako nalang mag-isa, hindi ko maiwasang mag-isip. Malulungkot, iiyak. Eto na naman ako sa di magandang libangan ko e. Tanginang random thoughts yan.
Malaya man ako, pero pakiramdam ko nakakulong ako. Nakakulong sa kalungkutan. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Kung saan akong lupalop pupunta para maging masaya. Hindi ko na alam kung anong gusto ko. Hindi ko matulungan ang sarili kong umusad.
Tnagina, ewan. Ang labo-labo ko dre.
*buntong-hininga*
Hindi ko alam kung saan ang direksyon ng buhay ko pero parang wala. Pinipilit kong ayusin ang sarili ko pero di ko magawa. Lumalabas ako para maging masaya pero pagpasok ko sa kwarto at ako nalang mag-isa, hindi ko maiwasang mag-isip. Malulungkot, iiyak. Eto na naman ako sa di magandang libangan ko e. Tanginang random thoughts yan.
Malaya man ako, pero pakiramdam ko nakakulong ako. Nakakulong sa kalungkutan. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Kung saan akong lupalop pupunta para maging masaya. Hindi ko na alam kung anong gusto ko. Hindi ko matulungan ang sarili kong umusad.
Tnagina, ewan. Ang labo-labo ko dre.
*buntong-hininga*
Saturday, October 13, 2012
Friday, October 12, 2012
Not enough.
Bakit kaya ganun? Parati nalang akong option. Ako yung parang laging hindi sapat. Minsan iniisip ko mahirap nga ba talaga akong mahalin? Dahil ba sa simple lang ako? Hindi kagandahan o maporma tulad ng iba. Dahil siguro sa mataba ako? Haha. Hindi ko alam.
Minsan sumasagi sa isip ko ang mga nakaraan kung saan kahit alam ko sa sarili kong ginawa ko naman ang lahat ako pa rin ang laging iniiwan. Matapos kong ibigay ang lahat para maipakita ang pagmamahal ko, sa huli ako pa rin ang sinasaktan.
Hindi ko maintindihan kung bakit may pumapasok sa buhay ko pero hindi para mahalin ako.. Lagi nalang nauuwi na iiwan at sasaktan ako. Dumarating ako sa puntong gustong-gusto ko nang sukuan 'tong paghihintay ko sa pagdating ng taong para sa 'kin.. Dyan sa letseng pag-ibig na yan.. Pero alam ko rin naman sa sarili kong ito lang din ang magpupuno sa pakiramdam kong kulang sa buhay ko.
Parang minsan pakiramdam ko ako yung tipo ng taong pag nasa isang crowd, ako yung huling huli na pipiliin. Parang ako yung pipiliin kapag wala ng choice.. Pag lahat napili na o napagpilian na.
Ni minsan hindi ko naranasang ako yung piliin out of millions of people. Kahit saang bagay hindi ako naging priority. Palaging second choice.
Sabi nila be yourself. Pero minsan gusto kong baguhin kung sino ako. Pakiramdam ko yung totoong ako sa karamihan hindi sapat.
Ang hirap kasi kapag lagi akong napag-iiwanan hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung ano bang kulang.. Ano bang mali? Mga tanong na hindi ko rin naman alam kung ano ang kasagutan. Minsan pakiramdam ko sinasaktan ko ang sarili ko. Tatanungin ko kung saan ako nagkulang gayong alam ko namang binigay o ginawa ko ang lahat ng makakaya ko..
Makakaya ko para ipakita na karapat-dapat akong mahalin.
Pero sa huli.. Iiwan ako.. Kasi.. Palagay nila, hindi ako sapat.
Minsan sumasagi sa isip ko ang mga nakaraan kung saan kahit alam ko sa sarili kong ginawa ko naman ang lahat ako pa rin ang laging iniiwan. Matapos kong ibigay ang lahat para maipakita ang pagmamahal ko, sa huli ako pa rin ang sinasaktan.
Hindi ko maintindihan kung bakit may pumapasok sa buhay ko pero hindi para mahalin ako.. Lagi nalang nauuwi na iiwan at sasaktan ako. Dumarating ako sa puntong gustong-gusto ko nang sukuan 'tong paghihintay ko sa pagdating ng taong para sa 'kin.. Dyan sa letseng pag-ibig na yan.. Pero alam ko rin naman sa sarili kong ito lang din ang magpupuno sa pakiramdam kong kulang sa buhay ko.
Parang minsan pakiramdam ko ako yung tipo ng taong pag nasa isang crowd, ako yung huling huli na pipiliin. Parang ako yung pipiliin kapag wala ng choice.. Pag lahat napili na o napagpilian na.
Ni minsan hindi ko naranasang ako yung piliin out of millions of people. Kahit saang bagay hindi ako naging priority. Palaging second choice.
Sabi nila be yourself. Pero minsan gusto kong baguhin kung sino ako. Pakiramdam ko yung totoong ako sa karamihan hindi sapat.
Ang hirap kasi kapag lagi akong napag-iiwanan hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung ano bang kulang.. Ano bang mali? Mga tanong na hindi ko rin naman alam kung ano ang kasagutan. Minsan pakiramdam ko sinasaktan ko ang sarili ko. Tatanungin ko kung saan ako nagkulang gayong alam ko namang binigay o ginawa ko ang lahat ng makakaya ko..
Makakaya ko para ipakita na karapat-dapat akong mahalin.
Pero sa huli.. Iiwan ako.. Kasi.. Palagay nila, hindi ako sapat.
Collide. (Panyo part II)
Walong buwan na rin ang nakalipas. Walong buwan simula nang iniwan
niya ko. Iniwan sa isang kanto kahit na malakas ang ulan. Walong buwan simula
nang huli akong umiyak. Hindi rin naging madali sa akin ang ipagpatuloy ang
buhay ng wala siya. Ang mga unang linggo'y naging miserable. Walang humpay na
pag-inom mapaumaga man o gabi.
Mga unang linggong sumasagi pa rin siya sa isipan ko.
"Masaya kaya siya? Kamusta na kaya siya?" mga tanong na
paulit-ulit na bulong ng isip ko.
Ilang buwan din akong umaasang may maririnig mula sa kanya. Maya't
maya pa rin ang pagtingin ko sa selpon ko, umaasang isang araw makakatanggap
ako ng mensahe mula sa kanya. Araw-araw na pag-oonline sa facebook para tignan
ang larawan niya, ang ilang update sa status niya.. Araw-araw.
Hanggang sa.. napagod na ko. Napagod na ko kakaasang isang araw
babalik siya. Napagtanto kong wala ng direksyon ang buhay ko. Napabayaan ko ang
trabaho ko. Iinom ako sa gabi, aabutin ng umaga at diretsong papasok sa
opisina. Hindi ko nagagawa ang mga dapat kong gawin na siyang naging dahilan
para sibakin ako sa trabaho. Tinalikuran ko ang pamilya ko, maging mga kaibigan
ko. Kinulong ko ang sarili ko at ginawa kong libangan ang magmukmok, umaalis ng
hindi alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Walong buwan nang nakalipas.. Mula ng sabihin niyang ayaw na
niya.. Na wala ng patutunguhan ang kung anong meron kami. At ang pinakamasakit,
noong sinabi niyang..
“Wala na kong nararamdaman para sayo.”
Wala siyang iniwang dahilan o paliwanag kung bakit nauwi sa ganoon
ang lahat. Mula noon ay wala na akong narinig pang balita tungkol sa kanya.
Walong buwan ang nakalipas mula noong huli akong umiyak. Umiyak ng
tila walang katapusan. Nauubos nga kaya ang luha kaya mula noon ay hindi ko na
nagawa ang umiyak?
Hindi ko inaakalang magagawa kong ibangon ang sarili ko mula sa
matinding pagkakalugmok na iyon. Pero matapos ang ilang buwang nakasalampak ang
katawan ko sa daan, unti-unti rin akong nakabangon. Sinimulan kong
maglakad-lakad.. Naghanap ako ng trabaho at natanggap bilang Marketing
Professional sa isang Automotive Company. Nagsimula na ulit tumakbo ang buhay
ko.. Naging bihira na ang pagsagi niya sa isip ko.. Nagawa kong abalahin ang
sarili ko sa maraming bagay. At unti-unti ko ng naibalik ang dati kong sigla.
Masaya na kong gumigising sa umaga para pumasok sa trabaho at makasama ang mga
bago kong kaibigan. At mula noon, napagtanto kong kaya ko palang mabuhay ng
masaya na wala siya. Natanggap ko na sa sarili kong kailangan ko ng umusad
palayo sa nakaraan at hanapin ang ikasisiya ko sa hinaharap.
Minsan sumasagi sa isipan ko ang lalaking nag-abot sa akin ng
panyo noong mga panahong sinasalanta ako ng matinding bagyo. Ang panyong yun
ang nagmistulang payong na nasilungan ko.. Hindi ko makakalimutan ang mukha ng
taong yun. Hindi ko maintindihan kung bakit umaasa akong makita siya.
Hanggang isang araw..
“All Marketing Professionals and Group Sales Managers, please
proceed to the conference room for your Gen. Sales Meeting.” Anunsyo ng
receptionist namin.
“Haaay meeting na naman”. Sa loob-loob ko.
Agad kaming nagtungo sa conference room. Lahat kami tutok ang
atensyon sa mga big boss naming nanenermon tungkol sa kung papaano mapapalakas
ang bentahan ng produkto namin. Sermon sa mga grupong mahina ang benta at
papuri naman sa mga grupong malakas bumenta. Sa kamalas-malasan e nagresign ang
Sales Manager namin kung kailan mahina ang benta ng grupo namin. Kami tuloy
magkakagrupo ang isa-isang nasermonan. Habang nagdadadakdak ang VP namin e siya
biglang bukas ng pinto. Iniluwa noon ang isang pamilyar na mukha ng lalaki.
“Good morning Mr. President and Boss Frank. Sorry I’m late.” Nakayukong
bati niya sa mga big boss namin.
Tumayo ang Vice President namin at nagsalita.
“Guys, this is Mr. Francis Dy. The new Sales Manager of Group 9.”
Hindi ko magawang tignan ang lalaking nasa harapan dahil ayokong
makita niya ang mukha ko. Binalot ang katawan ko ng matinding hiya na sulyapan
siya. Panay ang dalangin kong sana e hindi niya ako mamukhaan.
“Hoy Claire ikaw na.” sabay siko sa akin ng kagrupo ko.
“Ha?!” wala sa ulirat na tanong ko.
“Ano bang nagyayari sayo? Magpakilala ka na sa Sales Mngr. natin.
Utos ni VP.” Sagot niya.
“SHIT.” Mura ko sa isip ko.
Lumutang ang isip ko at di ko na namalayan na pinag-isa-isa pala
ang buong grupo namin para magpakilala sa bago naming manager.
Tumayo ako..
“Good Morning Boss. I’m
Claire Angeles.” Pakilala ko na malayo
ang tingin sa kanya.
Agad na akong umupo at nanalanging sana matapos na ang meeting. Ramdam
ko ang pagtingin niya sa direksyon ko.. Hindi ko malaman kung saan ko ipapaling
ang tingin ko huwag lang magtama ang mga mata namin.
Nang i-anunsyong tapos na ang meeting, dali-dali na akong tumakbo
palabas. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa lalaking ‘yon. Ang lalaking
nag-abot sa akin ng panyo walong buwan na ang nakalipas. Hindi ko alam kung sa
pagharap ko sa kanya e magpapanggap nalang akong hindi ko na siya natatandaan
pa o aaminin ang minsang pagbabangga ng landas namin.
“Bahala na.” sa isip-isip ko. Panay na lang ang dalangin kong sana
hindi niya na ako natatandaan.
Agad kong tinungo ang hagdanan pababa. Yosing yosi na ko sa
nararamdaman kong tensyon. Pagbaba ko,hindi ko alam na kasunod ko pala siya.
“Claire right?” tanong niya.
Nilingon ko siya at pilit akong umarte ng natural kahit halos
kumawala na ang puso ko sa sobrang kaba.
“Opo boss.” Kaswal at may ngiti kong sagot.
“Alam mo you look familiar. Parang nagkita na tayo somewhere.” Sambit
niya ng may ngiti sa labi.
ASDFGHJKL. “Tangina ito na!” sigaw ng isip ko.
“Haaa?! Ah e.. Hindi ko po alam boss. Parang di ko naman po natatandaan.”
Nakayukong sagot ko.
“Sigurado ka? Parang naka—“ Hindi na niya natapos ang sasabihin
niya dahil biglang tumunog ang cellphone niya. Nag-excuse siya para sagutin ang
tawag. Tumango ako at dali-daling naglakad palayo.
“Haaay. Salamat!” bulong ko.
Natapos ang araw na pare-pareho kaming abala sa kanya-kanya naming
kliyente.
Nagdaan ang mga araw, linggo at buwan.. Unti-unti na ring nawala
ang nararamdaman kong ilang sa kanya.. Palabiro siya. Lahat kami ay natatawa sa
ilang pang-aalaska niya. Hindi na muling naungkat ang tungkol sa amin. Marahil
ay hindi niya na ko natatandaan. Hindi lang namin siya naging boss, naging kaibigan
na rin namin siya. Di rin naman kami nagkakalayo ng edad. Madalas ay lumalabas
na rin ang grupo kapag maganda ang nagiging benta namin.
“Claire, may lakad ka?” tanong niya.
“Ah.. Boss wala naman.” Sagot ko.
“Samahan mo ko sa SM para dun sa display natin next month.”
“Ah okay, sige boss.” Tugon ko.
Lulan ng sasakyan niya ay narating na namin ang SM Megamall. Inayos
ang transaksyon para mabigyan ng permit na makapagdisplay kami ng sasakyan. Nang
matapos ang mga bagay na kinakailangang ayusin, nagyaya siyang magkape muna
kami bago umuwi.
“Claire matagal na rin naman tayong nagkakasama, magkaibigan na
rin naman tayo.. Hindi ko nagawang
sabihin ‘to sayo noon kasi alam kong maiilang ka. Pero kung inaakala mong
nakalimutan ko na ang gabi na malakas ang ulan at may isang babaeng umiiyak sa
tabi ko sakay ng bus, nagkakamali ka.” Walang kaabog-abog na sambit niya.
“Boss kalimutan mo na yun. Tapos na yun e.” ilang na ngiting sagot
ko.
“Alam mo bang umaasa akong makita kang muli? Kahit hindi na ko
coding nagbubus ako ng halos ilang linggo makita ka lang.”
“Boss Malabo na yun. Mas pinipili ko nalang ang magmrt o lrt kesa
magbus.” Pabirong wika ko.
“Ano bang nangyari nung gabing yun?!” usisa niya.
“Iniwan ako ng bf ko e.” tatawa tawang sagot ko.
“Tarantado naman pala yung bf mo e. Buti nalang din na nakawala ka
sa tulad niya. Hindi karapat-dapat para sayo ang ganong klase ng lalake.” Sermon
niya.
“Wala na yun boss. Kinalimutan ko na yun matagal
na.” sambit ko.
Natapos ang pagkakape namin na masayang nagkwentuhan tungkol sa opisina.
“Saan ka? Ihahatid na kita.”
“Wag na. Okay na ko” tanggi ko.
“Tara na. Gabi na rin. Wag ka ng makulit”
Nagpaubaya nalang akong ihatid niya ko.
Habang nagbibiyahe, masaya lang kaming nakikinig ng mga kanta.
Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills your mind.
You finally find you and I collide..
“Claire.. Gusto kita.” Biglang sambit
niya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Naguluhan ako bigla. Nakaramdam ng ilang, para akong biglang nalito. Nagulat
ako sa sinabi niya.
“Handa akong maghintay kung hindi ka pa
handa. Simula noong gabing nakita kita, hindi ako sumuko. Sinabi kong isang
araw magkikita tayo, at masaya akong nangyari yung inaasahan ko.” pag-amin niya.
“Hindi ko alam kung handa na nga ba ko.” Tanging
sagot ko.
“Maghihintay ako. Hindi ko naman
hinihiling na magdesisyon ka agad-agad. Pag-isipan mo.”
Hindi na ko umimik. Maging siya rin
nanatiling tahimik hanggang makarating kami sa amin. Bumaba siya at pinagbuksan
ako ng pinto.
“Maraming salamat.” Sambit ko.
“Salamat din. Maghihintay ako Claire.
Nandito lang ako.. Sana lang bigyan mo ko ng pagkakataon.”
Yan ang mga salitang iniwan niya saka
umalis.
Agad kong tinungo ang aking kwarto at
nag-isip. Inisip ko ang lahat-lahat ng sinabi niya. Ako man, umasang magkikita
kaming muli. Pero di ko inaasahan ang maging kaibigan siya hanggang sa nagtapat
na nga siyang gusto niya ko. Aminado ako, maraming katangian ang meron siya na
gusto ko. Pero hindi ko alam kung handa na ba akong magmahal ulit.
Araw-araw may nagpapadala ng bulaklak sa
opisina. Minsan ay siya ang sumasadya sa bahay para magdala ng pagkain,
bulaklak at kung ano-ano. Kadalasan, niyayaya niya akong lumabas.
Di nagtagal, nahulog na rin ang loob ko sa
kanya.. May takot man, pakiramdam ko handa na kong magmahal ulit.
“Handa na ‘ko.” sabi ko.
“Handa na ‘kong magmahal ulit. Sumubok ulit.
May takot man na masaktan ako ulit, susugal ako kapalit ang kaligayahan ko na
ikaw ang kasama.”
“Mahal na mahal kita Claire. Hindi ako gagawa ng
bagay na makakasakit sa damdamin mo.” Sambit niya sabay yakap sa akin.
Naging masaya ang pagsasama namin. Halos
araw-araw pa rin ang pagbibigay niya ng bulaklak. Pero ngayon di na niya
pinapadala. Inaabot nalang niya sa akin sa opisina. Sumasakay na ulit ako sa bus. Sa pagkakataong 'to palagi na akong nakangiti, nakasandal sa balikat ng taong mahal ko habang nakikinig kami ng magandang kanta sa earphones ko. Masaya naman ang ilang
katrabaho namin sa kung anong meron kami. Pero ilang buwan din ang lumipas, lumipat
ako ng ibang kumpanya para na rin maiwasan ang sasabihin ng iba. Ang buwan naging
taon. Tatlong taon na rin ang tinatakbo ng pagsasama namin. Masaya kahit minsan
may hindi kami napagkakaunawaan pero sa mga di pagkakaintindihang yun wala ni
minsan nasangkot na iba. Kadalasan kakulangan sa oras pero nagagawa naman
naming solusyunan.
Nasa ikaapat na taon na kami ng aming pagsasama.
Taon kung saan niyaya na rin niya kong lumagay sa tahimik. Sino ba naman ako
para tumanggi?
Santisimo Rosario Parish Church. 4pm.
Suot ang traje de boda, naglalakad ako
palapit sa taong nagpahalaga at nagparamdam sa akin ng pagmamahal sa araw-araw.
Ang lalaking hindi nagsawang iparamdam sa akin na mahal niya ko at nagpatunay
sa akin kung gaano kahalaga ang pag-ibig. Ang lalaking pinasasalamatan ko sa
pagtulong sa akin na hanapin ang tunay na kaligayahan. Sa tinagal-tagal, muli ko na namang naranasan ang umiyak. Ngunit sa pagkakataong ito, ang naging dahilan ay lubos na kaligayahan.
Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills your mind.
You finally find you and I collide..
Subscribe to:
Posts (Atom)