Friday, October 12, 2012

Collide. (Panyo part II)


Walong buwan na rin ang nakalipas. Walong buwan simula nang iniwan niya ko. Iniwan sa isang kanto kahit na malakas ang ulan. Walong buwan simula nang huli akong umiyak. Hindi rin naging madali sa akin ang ipagpatuloy ang buhay ng wala siya. Ang mga unang linggo'y naging miserable. Walang humpay na pag-inom mapaumaga man o gabi. 

Mga unang linggong sumasagi pa rin siya sa isipan ko.

"Masaya kaya siya? Kamusta na kaya siya?" mga tanong na paulit-ulit na bulong ng isip ko.

Ilang buwan din akong umaasang may maririnig mula sa kanya. Maya't maya pa rin ang pagtingin ko sa selpon ko, umaasang isang araw makakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. Araw-araw na pag-oonline sa facebook para tignan ang larawan niya, ang ilang update sa status niya.. Araw-araw.

Hanggang sa.. napagod na ko. Napagod na ko kakaasang isang araw babalik siya. Napagtanto kong wala ng direksyon ang buhay ko. Napabayaan ko ang trabaho ko. Iinom ako sa gabi, aabutin ng umaga at diretsong papasok sa opisina. Hindi ko nagagawa ang mga dapat kong gawin na siyang naging dahilan para sibakin ako sa trabaho. Tinalikuran ko ang pamilya ko, maging mga kaibigan ko. Kinulong ko ang sarili ko at ginawa kong libangan ang magmukmok, umaalis ng hindi alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Walong buwan nang nakalipas.. Mula ng sabihin niyang ayaw na niya.. Na wala ng patutunguhan ang kung anong meron kami. At ang pinakamasakit, noong sinabi niyang.. 

“Wala na kong nararamdaman para sayo.”

Wala siyang iniwang dahilan o paliwanag kung bakit nauwi sa ganoon ang lahat. Mula noon ay wala na akong narinig pang balita tungkol sa kanya.

Walong buwan ang nakalipas mula noong huli akong umiyak. Umiyak ng tila walang katapusan. Nauubos nga kaya ang luha kaya mula noon ay hindi ko na nagawa ang umiyak?

Hindi ko inaakalang magagawa kong ibangon ang sarili ko mula sa matinding pagkakalugmok na iyon. Pero matapos ang ilang buwang nakasalampak ang katawan ko sa daan, unti-unti rin akong nakabangon. Sinimulan kong maglakad-lakad.. Naghanap ako ng trabaho at natanggap bilang Marketing Professional sa isang Automotive Company. Nagsimula na ulit tumakbo ang buhay ko.. Naging bihira na ang pagsagi niya sa isip ko.. Nagawa kong abalahin ang sarili ko sa maraming bagay. At unti-unti ko ng naibalik ang dati kong sigla. Masaya na kong gumigising sa umaga para pumasok sa trabaho at makasama ang mga bago kong kaibigan. At mula noon, napagtanto kong kaya ko palang mabuhay ng masaya na wala siya. Natanggap ko na sa sarili kong kailangan ko ng umusad palayo sa nakaraan at hanapin ang ikasisiya ko sa hinaharap.

Minsan sumasagi sa isipan ko ang lalaking nag-abot sa akin ng panyo noong mga panahong sinasalanta ako ng matinding bagyo. Ang panyong yun ang nagmistulang payong na nasilungan ko.. Hindi ko makakalimutan ang mukha ng taong yun. Hindi ko maintindihan kung bakit umaasa akong makita siya.


Hanggang isang araw..

“All Marketing Professionals and Group Sales Managers, please proceed to the conference room for your Gen. Sales Meeting.” Anunsyo ng receptionist namin.

Haaay meeting na naman”. Sa loob-loob ko.

Agad kaming nagtungo sa conference room. Lahat kami tutok ang atensyon sa mga big boss naming nanenermon tungkol sa kung papaano mapapalakas ang bentahan ng produkto namin. Sermon sa mga grupong mahina ang benta at papuri naman sa mga grupong malakas bumenta. Sa kamalas-malasan e nagresign ang Sales Manager namin kung kailan mahina ang benta ng grupo namin. Kami tuloy magkakagrupo ang isa-isang nasermonan. Habang nagdadadakdak ang VP namin e siya biglang bukas ng pinto. Iniluwa noon ang isang pamilyar na mukha ng lalaki.

“Good morning Mr. President and Boss Frank. Sorry I’m late.” Nakayukong bati niya sa mga big boss namin.

Tumayo ang Vice President namin at nagsalita.

“Guys, this is Mr. Francis Dy. The new Sales Manager of Group 9.”

Hindi ko magawang tignan ang lalaking nasa harapan dahil ayokong makita niya ang mukha ko. Binalot ang katawan ko ng matinding hiya na sulyapan siya. Panay ang dalangin kong sana e hindi niya ako mamukhaan.

Hoy Claire ikaw na.” sabay siko sa akin ng kagrupo ko.
Ha?!” wala sa ulirat na tanong ko.
“Ano bang nagyayari sayo? Magpakilala ka na sa Sales Mngr. natin. Utos ni VP.” Sagot niya.
“SHIT.” Mura ko sa isip ko.

Lumutang ang isip ko at di ko na namalayan na pinag-isa-isa pala ang buong grupo namin para magpakilala sa bago naming manager.

Tumayo ako..

 “Good Morning Boss. I’m Claire Angeles.”  Pakilala ko na malayo ang tingin sa kanya.

Agad na akong umupo at nanalanging sana matapos na ang meeting. Ramdam ko ang pagtingin niya sa direksyon ko.. Hindi ko malaman kung saan ko ipapaling ang tingin ko huwag lang magtama ang mga mata namin.

Nang i-anunsyong tapos na ang meeting, dali-dali na akong tumakbo palabas. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa lalaking ‘yon. Ang lalaking nag-abot sa akin ng panyo walong buwan na ang nakalipas. Hindi ko alam kung sa pagharap ko sa kanya e magpapanggap nalang akong hindi ko na siya natatandaan pa o aaminin ang minsang pagbabangga ng landas namin.

Bahala na.” sa isip-isip ko. Panay na lang ang dalangin kong sana hindi niya na ako natatandaan.

Agad kong tinungo ang hagdanan pababa. Yosing yosi na ko sa nararamdaman kong tensyon. Pagbaba ko,hindi ko alam na kasunod ko pala siya.

“Claire right?” tanong niya.

Nilingon ko siya at pilit akong umarte ng natural kahit halos kumawala na ang puso ko sa sobrang kaba.

“Opo boss.” Kaswal at may ngiti kong sagot.

“Alam mo you look familiar. Parang nagkita na tayo somewhere.” Sambit niya ng may ngiti sa labi.

ASDFGHJKL. “Tangina ito na!” sigaw ng isip ko.

“Haaa?! Ah e.. Hindi ko po alam boss. Parang di ko naman po natatandaan.” Nakayukong sagot ko.

“Sigurado ka? Parang naka—“ Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang cellphone niya. Nag-excuse siya para sagutin ang tawag. Tumango ako at dali-daling naglakad palayo.

Haaay. Salamat!” bulong ko.

Natapos ang araw na pare-pareho kaming abala sa kanya-kanya naming kliyente.

Nagdaan ang mga araw, linggo at buwan.. Unti-unti na ring nawala ang nararamdaman kong ilang sa kanya.. Palabiro siya. Lahat kami ay natatawa sa ilang pang-aalaska niya. Hindi na muling naungkat ang tungkol sa amin. Marahil ay hindi niya na ko natatandaan. Hindi lang namin siya naging boss, naging kaibigan na rin namin siya. Di rin naman kami nagkakalayo ng edad. Madalas ay lumalabas na rin ang grupo kapag maganda ang nagiging benta namin.

“Claire, may lakad ka?” tanong niya.
“Ah.. Boss wala naman.” Sagot ko.
“Samahan mo ko sa SM para dun sa display natin next month.”
“Ah okay, sige boss.” Tugon ko.

Lulan ng sasakyan niya ay narating na namin ang SM Megamall. Inayos ang transaksyon para mabigyan ng permit na makapagdisplay kami ng sasakyan. Nang matapos ang mga bagay na kinakailangang ayusin, nagyaya siyang magkape muna kami bago umuwi.

“Claire matagal na rin naman tayong nagkakasama, magkaibigan na rin naman tayo..  Hindi ko nagawang sabihin ‘to sayo noon kasi alam kong maiilang ka. Pero kung inaakala mong nakalimutan ko na ang gabi na malakas ang ulan at may isang babaeng umiiyak sa tabi ko sakay ng bus, nagkakamali ka.” Walang kaabog-abog na sambit niya.

Boss kalimutan mo na yun. Tapos na yun e.” ilang na ngiting sagot ko.

“Alam mo bang umaasa akong makita kang muli? Kahit hindi na ko coding nagbubus ako ng halos ilang linggo makita ka lang.”

“Boss Malabo na yun. Mas pinipili ko nalang ang magmrt o lrt kesa magbus.” Pabirong wika ko.

“Ano bang nangyari nung gabing yun?!” usisa niya.
Iniwan ako ng bf ko e.” tatawa tawang sagot ko.

“Tarantado naman pala yung bf mo e. Buti nalang din na nakawala ka sa tulad niya. Hindi karapat-dapat para sayo ang ganong klase ng lalake.” Sermon niya.

Wala na yun boss. Kinalimutan ko na yun matagal na.” sambit ko.

Natapos ang pagkakape namin na masayang nagkwentuhan tungkol sa opisina.

“Saan ka? Ihahatid na kita.”
“Wag na. Okay na ko” tanggi ko.
“Tara na. Gabi na rin. Wag ka ng makulit”

Nagpaubaya nalang akong ihatid niya ko. Habang nagbibiyahe, masaya lang kaming nakikinig ng mga kanta.

Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills your mind.
You finally find you and I collide..


“Claire.. Gusto kita.” Biglang sambit niya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naguluhan ako bigla. Nakaramdam ng ilang, para akong biglang nalito. Nagulat ako sa sinabi niya.

“Handa akong maghintay kung hindi ka pa handa. Simula noong gabing nakita kita, hindi ako sumuko. Sinabi kong isang araw magkikita tayo, at masaya akong nangyari yung inaasahan ko.” pag-amin niya.

“Hindi ko alam kung handa na nga ba ko.” Tanging sagot ko.

“Maghihintay ako. Hindi ko naman hinihiling na magdesisyon ka agad-agad. Pag-isipan mo.”

Hindi na ko umimik. Maging siya rin nanatiling tahimik hanggang makarating kami sa amin. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto.

“Maraming salamat.” Sambit ko.
“Salamat din. Maghihintay ako Claire. Nandito lang ako.. Sana lang bigyan mo ko ng pagkakataon.”
Yan ang mga salitang iniwan niya saka umalis.

Agad kong tinungo ang aking kwarto at nag-isip. Inisip ko ang lahat-lahat ng sinabi niya. Ako man, umasang magkikita kaming muli. Pero di ko inaasahan ang maging kaibigan siya hanggang sa nagtapat na nga siyang gusto niya ko. Aminado ako, maraming katangian ang meron siya na gusto ko. Pero hindi ko alam kung handa na ba akong magmahal ulit.

Araw-araw may nagpapadala ng bulaklak sa opisina. Minsan ay siya ang sumasadya sa bahay para magdala ng pagkain, bulaklak at kung ano-ano. Kadalasan, niyayaya niya akong lumabas.

Di nagtagal, nahulog na rin ang loob ko sa kanya.. May takot man, pakiramdam ko handa na kong magmahal ulit.

“Handa na ‘ko.” sabi ko.
“Handa na ‘kong magmahal ulit. Sumubok ulit. May takot man na masaktan ako ulit, susugal ako kapalit ang kaligayahan ko na ikaw ang kasama.”
 “Mahal na mahal kita Claire. Hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sa damdamin mo.” Sambit niya sabay yakap sa akin.

Naging masaya ang pagsasama namin. Halos araw-araw pa rin ang pagbibigay niya ng bulaklak. Pero ngayon di na niya pinapadala. Inaabot nalang niya sa akin sa opisina. Sumasakay na ulit ako sa bus. Sa pagkakataong 'to palagi na akong nakangiti, nakasandal sa balikat ng taong mahal ko habang nakikinig kami ng magandang kanta sa earphones ko. Masaya naman ang ilang katrabaho namin sa kung anong meron kami. Pero ilang buwan din ang lumipas, lumipat ako ng ibang kumpanya para na rin maiwasan ang sasabihin ng iba. Ang buwan naging taon. Tatlong taon na rin ang tinatakbo ng pagsasama namin. Masaya kahit minsan may hindi kami napagkakaunawaan pero sa mga di pagkakaintindihang yun wala ni minsan nasangkot na iba. Kadalasan kakulangan sa oras pero nagagawa naman naming solusyunan.

Nasa ikaapat na taon na kami ng aming pagsasama. Taon kung saan niyaya na rin niya kong lumagay sa tahimik. Sino ba naman ako para tumanggi?

Santisimo Rosario Parish Church. 4pm.

Suot ang traje de boda, naglalakad ako palapit sa taong nagpahalaga at nagparamdam sa akin ng pagmamahal sa araw-araw. Ang lalaking hindi nagsawang iparamdam sa akin na mahal niya ko at nagpatunay sa akin kung gaano kahalaga ang pag-ibig. Ang lalaking pinasasalamatan ko sa pagtulong sa akin na hanapin ang tunay na kaligayahan. Sa tinagal-tagal, muli ko na namang naranasan ang umiyak. Ngunit sa pagkakataong ito, ang naging dahilan ay lubos na kaligayahan.

Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills your mind.
You finally find you and I collide..


4 comments:

CheeNee said...

ayoko ng pamagat!! ayoko ng kanta!! ayoko!!!!

oa lang..haha

Unknown said...

Wala kang pakelam. Blog ko to. Kung ayaw mo wag mong basahin! Tse! Echoserang frog!

Ayako said...

Grabe! Ang bilis ng mga pangyayari ah! hahaha. pero ang galing. Hehe.

Unknown said...

Minadali ko na. Tinatamad na ko e. Hahahahah! Mema lang. Matapos ko lang yung sinasabi niyong bitin na kwento. Hahaha. O ayan bitin pa?! ahahaha