Tuesday, December 4, 2012

Nagbabalik.

Sa totoo lang e ilang beses kong sinubukan ang magsulat ulit. Mahigit sampu na ata ang nakadraft dito sa pahina ko. Ewan ko kung bakit di ko magawang ipost. Palagay ko e di lang talaga gaanong mahalaga. O, nagbago na ang isip kong magkwento.

Oh well papel.. Ano nga bang kaganapan sa buhay ko matapos ang mahigit isang buwan ko atang pananahimik? Naging abala ko. Sa kaibigan, trabaho, facebook, problema at sa ilang personal na pangyayari sa buhay ko.

Masaya ako. Yan lang ang tanging maibabahagi ko sa ngayon.. Kaya lang 'yang sayang yan may kapalit yan e. Marami ang nabago sa buhay ko. Syempre pag masaya ka, pahahalagahan mo yung bagay na nakakapagpasaya sayo. Kaya yung extrang oras ko, nilalaan ko dun sa dahilan kung bakit sumasaya ako.
Dahilan kung bakit nawawalan na rin ako ng oras sa ilang taong minsan ng naging bahagi ng buhay ko.

Napagtanto ko nalang na may mga taong minsan ng naging importante sa akin ang wala na sa buhay ko ngayon. Pero bago naman ako maging masaya't lahat, alam kong nabanggit ko na sa isang kaibigan na yun na ang magiging huli. Ang huling pagtitipon na sasamahan ko. Nung una akala ko e di ko kakayanin. Sadyang nasa tao nga naman kung paano mo padadaliin ang ilang bagay kesa panatilihing komplikado.

Sadyang ganoon nga ata ang buhay. May mawawala at may dumarating.


2 comments:

lakastamalakasuga said...

sadya ngagna ganon, oo nga. :)

at tulad mo, matagal din akong nanahimik at ngayon magsisimualang muli. Panibagong tahanan..

Daab ka minsan

http://lakastamalakasuga.wordpress.com/

Jenn Shimshimi said...

Goodluck sa pagsisimula mo. :) paniguradong sisilip ako dyan sa pahina mo minsan. salamat sa pagbisita!