Kilala mo ba ko?

Kilala sa pangalang Jenn. Bente-sais. Anak ni Mang Rody. Isinilang sa bayan ng Los Banos sa Lungsod ng Laguna. Bunso sa tatlong magkakapatid at kaisa-isang babae. Suki sa empe lights, san mig, red horse, cuervo, bacardi at kung anu-ano pang alak. Bestfriend ng takatak boys. Mahilig akong kumain kaya wag ka ng magtanong kung kailan ko gustong awatin ang sarili ko sa pagkain para sa ikapapayat ko kasi wala akong balak. Makulit, madaldal, prangka. Sinasabi ko ang mga bagay na gusto kong sabihin at wala akong pakelam sa mararamdaman mo. Nagdalaga, umibig, nasawi sa pag-ibig at kasalukuyang nakikipagsapalaran sa buhay dito sa maynila. 

Sa ngayon, hindi pa rin ako dala sa pagsugal sa pag-ibig. Ilang beses man akong natalo, kapag may nakipagpustahan, lalaban pa rin ako. Baka kasi isang araw swertihin na ko't manalo.

4 comments:

Fruit of Faith said...

kaway sa'yo crush! hakhak ^__^

Unknown said...

Ahahaha!!! Hello kung sino ka man!!! Ahihihihi!!!

Fruit of Faith said...

kungsinokaman?

anonymous ba kasi? tawagin mo nalang akong soulmate heheh ^__^

Unknown said...

Ok soulmate! Ahahahaha! :D