Hindi ko maisip ang buhay ko kung walang musika. Mapa-malungkot ako o masaya, hindi mawawala ang pakikinig ko sa musika kapag pakiramdam ko ang pinag-uusapan.
Emo rin ako minsan, sa ganitong panahon may nalalaman akong pagtanaw sa bintana ng aking kwarto habang nakikinig ng mga malulungkot na kanta. tapos maya-maya may papatak ng luha. Perfect! Hahaha!
Marami na rin ang kantang nagpaiyak sa akin. Hehe.
Kapag masaya ako, asahan mo nang marinig ang malakas na boses kong sintunado sa labas ng kwarto ko. Nagtatatalon ako sa kama habang kumakanta hawak ang hairbrush ko bilang mikropono. Hahaha. Kapag napaos na ko at di pa ko kuntento, magsasasayaw ako sa ibabaw ng kama ko hanggang sa antukin ako at abutin ng madaling araw.
Minsan nga e nakalimutan kong ilock ang pinto. Tinatawag pala ko ng nanay ko e napakalakas ng earphones ko kaya di ko naririnig.. Bigla nalang bumukas ang pinto at naabutan ako ng nanay kong tumatalon at nagkakakanta hawak yung hairbrush ko.
"HAHAHAHA. Hinaan mo yang pagkanta mo nakakahiya sa kapitbahay!" sigaw ng nanay kong tatawa-tawa. Hiyang-hiya ako e. HAHAHAHA
Wala naman talaga akong gustong sabihin dito e. May makwento lang. Saka gusto ko lang idaing na malungkot ako kasi may kulang e. Nawawala ang earphones ko badtrip!
Showing posts with label kwento. Show all posts
Showing posts with label kwento. Show all posts
Sunday, September 30, 2012
Happy Birthday Superman!
Pagkagaling ko sa trabaho, dumiretso na ko sa bahay ni Aling Mariss para ipagdiwang namin ang birthday ni Mang Rody. You know, si superman, my bestfriend! Hehe. Matagal-tagal din mula ng huli kong makita si Mang Rody, as usual, gwapo pa rin. Pinagmanahan ko e! Haha. In fairness mataba siya. :D Agad kong niyakap ang nakahigang matanda at hinalikan sa pisngi.
"Happy Birthday father! I miss you! I love you!" bati ko.
"O? Bakit di ka nagrereply?" tanong niya.
"Busy lang. Kamusta ka naman? Ang mga isda sa ilog nagpapahuli ba naman sayo?" biro ko.
"Nako, wala ngang mahuli." sagot niya.
"Yung mga tandang mo nalang kasi ang pagkaabalahan mo. Inilalaban niyo ba?" tanong ko.
"Isang beses lang. Nanalo naman." sagot niya habang nakangiti.
Nakayakap ako sa bewang niya habang kami'y nagkukwentuhan.
"kamutan mo naman ako ng likod" lambing niya. Matatanggihan ko ba naman to si Mr. Fredrickson? hehe.
"Hindi mo na ko dinalaw a." angal niya.
"Busy lang dad. Saka alam ko naman na uuwi ka. Wag ka ng magtampo namiss naman kita" lambing ko.
"hmmm." tugon niya.
"Ako na magluluto saka bibili ako ng ice cream." sabi ko.
"Tawagin mo ang kuya mo, may dala akong mga rambutan galing sa tanim ng tito mo." utos niya.
"Alam ni Tito Carling na pinapitas mo yan?" tanong ko.
"Hinde. Hehe." ngisi siya.
"Lagot ka don! HAHAHAHAHA!" biro ko.
Pinagmamasdan at pailing-iling lang ang tatay ko habang tatawa tawa sa panonood samin ng kuya ko sa pagkain ng rambutan.
Pagkatapos kong magluto at bumili ng pansit at ice cream, masaya kaming nagkainan. Biruan. Hanggang sa napagpasyahan na namin ang magpahinga pare-pareho matapos ang kwentuhan.
Naisip ko, magkakalayo man kami, mas gugustuhin ko na itong minsanang pagkikita na masaya kesa sa araw-araw na magkasama pero puro bangayan naman.
Mahal na mahal ko ang pamilyang meron ako di man perpekto. :)
Labels: shits, quotes, photos, poems
kwento
Subscribe to:
Posts (Atom)