Friday, September 21, 2012
Move On.
Paano nga ba talaga ang magmove-on? Marami sa atin ang naranasan na ang umibig.. ) At ma-broken hearted.. Kahit ako.. Maraming beses na rin… Nagtataka ang mga kaibigan ko kung bakit daw parang napakadali para sa akin ang magmove-on.. Naranasan ko na ang mang-iwan.. iwanan.. Lokohin… Kapag iniiwan ako/niloko.. Nagpapasalamat nalang ako na nalaman ko.. Kasi mas masakit yung patuloy mong ginagawa ang lahat… Nagsasakripisyo ka mag-work lang ang relationship pagkatapos talikuran kang niloloko.. Wala kang kamalay malay na nagmumukhang tanga ka na sa ibang tao.. Kung iniiwan man tayo, siguro dahil sa hindi nga kayo para sa isa’t-isa, maling panahon, Or may mga responsibilidad tayong mas kailangang asikasuhin kesa sa pansarili nating kaligayahan.. minsan naiisip ko kung bakit sa iba sobrang hirap magmove-on. Para sa akin kasi.. Once na nangyari na..Nasaktan ka na.. Nasira na yung tiwala.. Tapos na.. Tinatanggap ko nalang. Tinitignan ko nalang yung POSITIVE SIDE ng storya.. Yung mga positibong dahilan kung bakit kailangang umabot sa ganon. JUST LET IT GO.. Magsimula ng bagong buhay.. Single ka naman dati.. Bakit mahihirapan kang mamuhay ulit ng single. Maging masaya at kuntento sa mga naging desisyon niyo.. Masakit Oo. Pero mas masasaktan lang tayo kung ipipilit pa natin ee. We have to accept the fact that people come and go.. Magagawa niyo naman maglet go kung gugustuhin niyo ee.. ACCEPTANCE lang. Accept the fact that IT’S OVER. Magpasalamat nalang tayo na minsan sa buhay natin may taong dumating at nagpasaya sa atin.. Magpasalamat nalang tayo na naranasan natin yun. Ang mahalin at magmahal.. Ang minsang may nagpahalaga sa atin.. At sa mga bagay na nananatiling meron tayo. At sa mga taong who will stick by our side through thick and thin. It’s not the end of the world! Minsan sasabihin pa ng iba.. “Sana makahanap na ko ng bago para makalimutan ko na siya..” Guys, it’s not the solution. Hindi mo kailangang gumamit ng ibang tao para lang magmove-on. Makakasakit ka na, Hindi ka pa magiging masaya… Kung lovelife lang ang problema mo, wala pa yan sa kalingkingan ng problema ng marami sa atin. Just be thankful sa kung anong meron ka.. ENJOY LIFE! Marami pang nandyan para sayo.. May family, relatives and friends ka pa! Minsan nakakainis at nakakapagod din ang mag-advice.. Makikinig sila oo… Pero hindi nila inaabsorb.. Non sense lang lahat ng effort na ginawa mo mabigyan mo lang sila ng magandang advice! Kung hihingi kayo ng advice, sana naman i-absorb niyo kahit konti.. Kasi kaming mga malalapit sa inyo nahihirapan din naman na nakikita kayong nasasaktan.. Kaya nga ginagawa namin yung best na maitutulong namin sa inyo ee.. (Kahit minsan paikot ikot at paulit ulit nalang tayo sa topic na yan ng isang daang beses!) Sana naman maappreciate niyo.. ^_^ Again, ACCEPTANCE and LETTING GO.. You’ll be fine.. ^_^ Just be contented and thankful with what you have.. You’ll be Happy! :)
Labels: shits, quotes, photos, poems
shits
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment