Wednesday, September 19, 2012

Kaibigan


Ano nga ba ang kaibigan? Ayon kay google,
-is someone you can depend to.
-who goes with you in good times and in bad.
-who will always by your side.
-a person who will never give up on you.
at libo-libo pang resulta.. Madaling makipagkaibigan.. Pero ang totoo.. Iilan lamang ang magiging totoo sayo. Masasabi mo bang isa kang tunay na kaibigan kung parati kang anjan para sa kanya? Nagpapakatotoo ka? Pinapakita mo ang positibo at negatibo sayo at ganun din siya pero tanggap mo sa kung sino at anuman siya maging ang nakaraan niya. 
Marami akong kaibigan.. Pero karamihan sa mga ito.. Wala na akong naging balita. Dahil na rin siguro sa nagkapamilya na ang iba at nagkaroon na ng sarili nilang buhay. Merong nananatiling nandyan. Ako ang uri ng kaibigan na ipamumukha sayo ang mali mo masaktan ka man. Ang handang magalit sayo kapag alam kong may hindi tama sa ginagawa mo. Masasabi kong andyan ako para sa kaibigan ko kahit sa isang text lang. 
Tama pa nga ba? O minsan kailangan mo rin limitahan ang sarili mo? Bakit? May pagkakataon na minsan.. Makakaalala lang sila kapag may kailangan. Oo masakit. Nakakalimot sila kapag may bago na silang pinagtutuunan ng pansin. Naranasan ko na ito maraming beses na.. Nakakasama ng loob kung iisipin. Pero minsan naiisip ko.. Bakit nga ba umabot sa ganon? hindi kaya masyado na rin ang pagpapahalaga ko sa kanila at sa pinagsamahan namin kaya nagiging masyado na kong mahigpit? Minsan ba dapat hayaan ko sa kanila sa kung anuman ang gusto nilang gawin para pag nadapa sila, makapulot man lang sila ng aral?
Oo nga’t ang hinahangad mo’y makakabuti para sa kanila.. Pero mukhang nakalimutan mo din na pahalagahan ang sarili mo. Ang pagkakaibigan ay maihahalintulad ko rin sa isang relasyon. Kailangan mo ng TIWALA. Pagmamahal. Hindi mabubuo ang isang magandang pagkakaibigan kung wala ang TIWALAng yan. 
At gaya sa isang relasyon.. Masasabi kong mas masakit ang mawalan ng isang matalik na kaibigan kesa ang mabroken hearted.

No comments: