Wednesday, September 19, 2012

Bomba.


Ito ang isa sa ayaw ko sa sarili ko. Makimkim. Mahilig akong magkimkim ng nararamdaman ko. Minsan kahit masamang masama na loob ko hindi ko pinapakita, kapag galit ako tinitimpi ko lang at kapag nalulungkot ako, ayokong ayokong may makakapuna. hangga’t maaari mas gusto ko pang nagpapanggap akong masaya.
May pagkakahalintulad ito kapag umiibig rin ako. Kapag gusto ko ang isang tao, iniisnob ko sya. Kadalasan ay tinatarayan ko. Ayokong napapalapit siya kasi tiyak kong aasarin ako ng mga kaibigan ko. Pero kapag kaming dalawa lang ang magkasama, ginagawa ko ang lahat maging komportable lang siya na ako ang kasama. Hindi rin ako nagpapakita ng paglalambing sa taong mahal ko kapag may ibang taong nakapaligid. mas gusto kong casual lang.
Pag nagseselos ako.. Hindi ko sinasabi. tatahimik nalang ako. Ganun din kapag galit na ko.
Ngunit ang lahat ay may hangganan. Para akong bombang bigla bigla nlang sumasabog. Kapag hindi ko na kaya iniiyak ko nlang hanggang sa mapagod ako. Minsan bigla bigla ko nalang nasasabi ang hinanakit ko. Ayoko ng ganoong pakiramdam. Hangga’t maari gusto kong itago at pigilin hangga’t kaya ko. 
Ngayon, malapit na kong sumabog. Bago mangyari yun.. Iiwas na ko, kesa makasalanta pa ko ng iba. Hahayaan ko ng ako na lang ang magkalasog lasog kesa may madamay pa. =/

No comments: