Thursday, September 20, 2012

bro.




Siya ang kuya ko… Damang dama ko ang pagiging bunso at pagkakaroon ko ng kuya dahil sa kanya.. Pinalaki kami ng magulang namin na huwag pababayaan ang isa’t isa. Bihirang bihira kami kung mag-away. Masasabi kong ginawa ng kuya ko ang lahat para pangalagaan ako. Naaalala ko noong nasa elementarya kami sa iisang eskwelahan..
sabay kaming pumapasok.. Hinahatid niya ko hanggang sa classroom namin at hinihintay ako ng kuya kong matapos ang klase gaano man katagal. Siya ang nagbibitbit ng gamit ko.. Kapag tumatawid kami inaalalayan niya ko sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko.. Maging sa pagsakay.. napagkamalan tuloy kaming mag-nobyo noon.
Magkasundo kami sa halos lahat ng bagay.. LAN games.. Billiards.. At kung ano-ano pa. Sinuportahan niya ako sa lahat ng bagay dahil malaki ang tiwala niya sa akin. Siya ang unang unang nakakaalam ng mga sikreto ko. Kung kailan ako nakatikim ng sigarilyo’t alak at maging kung kailan ako nagkanobyo alam niyang lahat. 
Ang kuya ko ay kabaliktaran ko pagdating sa pakikisalamuha sa tao. May sarili siyang mundo.. Ako nman handang makisalamuha sa karamihan. Tahimik siya. Madaldal ako.. Pero masasabi ko pa rin namang  masaya siyang kasama. Makulit at masayahin din nman siya kapag komportable siya sa kasama niya..
Minsan na rin kaming nagkatampuhan. Talagang hindi siya umiimik. Malaking DEADMA. Kadalasan, nauuwi nalang sa ngiti at konting pakisuyo kaya nagkakabati kami.. 
Isang beses na nagalit ako sa kanya.. Binibigyan ko siya ng konti sa sweldo ko buwan buwan. Pinahiram niya lang sa iba. hndi ko siya kinausap. Umiyak ako. Kasi para yun sa kanya e. Tapos di niya ginamit. Isa lang ang tanda kong sinabi niya noon sa kaibigan namin..
Di ako matitiis nun ni kapatid. Mahal ako nun e. Tawagin lang niya akong kapatid at ngitian.. Nawawala na ang galit ko. kainis lang. Haha. 
magkakunchaba kami sa lahat ng kalokohan. Gigimik ako.. Di ako papayagan nila momi.. Pra payagan ako.. Sasabihin niyang sasama siya.. Pero ang gagawin niya.. Magpupunta sa comp shop at maglalaro.. Kahit na antok na antok na siya at gusto ng umuwi.. Lilibangin niya ang sarili niya kahit hanggang alas-kwatro ng umaga mahintay lang ako galing sa gimikan kasama ng mga kaibigan ko at sabay kaming uuwi.
Siya ang pinakatorpeng lalake na nakilala ko. Hindi marunong manligaw. Hinihintay niyang magpakita ng motibo ang babae na gusto siya nito bago pumorma. :)) 1 babae lang ang sineryoso niya. Minahal niya ito ng sobra kahit may anak ito sa iba at hindi pinanagutan.. Pinatira niya sa bahay maging ang anak nito.. Sa akin wala yong kaso. Basta alam kong masaya siya.. Kahit sino pa ang gusto niyang makasama sa buhay ay walang problema sa akin. nabuntis ang gf niyang yun.. Pero lumabas na patay ang bata. Iyak ng iyak noon ang kuya ko.. Awang awa ako sa kanya. Pero wala akong nagawa kundi ang iparamdam sa kanyang nasa tabi niya lang ako.. Lumipas ang ilang buwan.. Natapos na ang relasyon nila. 2 taon na rin ang nakalipas. May mga nagkagusto sa kanya.. Sinubukan niya pero mga hindi nagtagal. Mababaw lang ang kaligayahan niya.. Bigyan mo lang ng konti masaya na siya.. :)
Isa siya sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko.. At masaya akong nandyan siya para sa akin anumang oras.. 
Gusto ko siyang maging masaya. Sana matagpuan niya na din ang taong magpapasaya sa kanya. :)
isang bagay na kinaiinggitan ko sa kanya.. Ang matangos niyang ilong! Sana sa akin na lang biniyaya… :D

No comments: