Bunso ako sa aming magkakapatid. Kaisa-isang babae. Ako lang ang pinalad na makatapos ng kolehiyo. Dati masasabi kong marangya ang buhay namin. Napalaki kami ng magulang naming lahat ng gustuhin ay binibigay. Pinag-aaral sa eksklusibong paaralan sa lugar namin. Nang makatapos ako ng elementarya, nagsimula ng bumagsak ang ilan sa negosyong itinayo ng mga magulang ko. Mula sa marangyang mag-aaral at isang eksklusibong paaralan noong elementarya, sa isang pampublikong eskwelahan sa maynila nlang ako inenroll ng nanay ko. Sa una at ikalawang taon, ang hirap mag-adjust. Hanggang sa tumuntong ako ng kolehiyo, sa isang simpleng eskwelahan lang ako nagtapos. Noon, isa akong estudyanteng minsan ay hindi pa gaanong plantsado ang uniporme sa kamamadali kong huwag mahuli sa klase. Di tulad noon, handa na lahat ng gamit ko gawa ng yaya kong si Ate Leah at Ate Liza. Simple kolehiyala at hindi makakapukaw pansin. Di gaya sa paaralan ko noong elementarya na kilala ako bilang anak ni Mang Rody. Hindi rin ako ang tipo ng estudyanteng kumpleto sa kailangang kagamitan upang maging “in”. Noon, lahat ng laruan ko halos araw-araw bago. Pero dahil na rin sa ilang mga kaibigan ko noong kolehiyo, hindi ako naging mangmang sa paggamit ng ilang de kalidad na kagamitan lalo na kung teknolohiya ang pag-uusapan. “Gadgets” ang hilig ko. Nabigyan naman ako ng de kamerang selpon ng nanay ko noong nag-debut ako. 2 beses sa isang taon kung maibili ng bagong damit. Pasko at kaarawan ko. Noon, halos araw-araw na maymaibigan ang nanay ko para sa akin binibili. Hanggang sa nakasanayan ko na ang simple na minsang inaalat na buhay. Minsan, kinukulang ako sa panggastos. Sa pambili ng pagkain at kung anu-ano pa. Hanggang sa makahanap ako ng trabaho. Ang lahat ng sinasahod ko sa loob ng 2 taon kong pagttrabaho, binibigay ko sa magulang at kapatid ko. Ang panganay kong kapatid na pamilyado na, minsan ay sa akin pa rin humihingi ng panggastos para sa pamilya niya. Ang pangalawa nman, nagloko sa pag-aaral. Swerte nlang kung minsan 2 kaming magkapatid ang may trabaho. Buwanang bayaran sa kuryente’t tubig, malaking katipiran na rin sa pang araw-araw naming gastusin. Taong 2010 naging pinakamagaang pasok sa akin ng taon. Ako lang ang may trabaho nakakatulong pa din ako sa pamilya ko at kahit papaano ay nakakapagpundar din ng para sa sarili ko. Ang mga gadgets na pinapangarap ko lang noon gaya ng laptop, ipod,dslr cellphone.. unti-unti kong naipundar. Iba pala ang pakiramdam ng nakakatulong ka na, nabibili mo pa ang ilan sa mga “luho” mo ng hindi mo hinihingi sa mga magulang mo. Walang sumbat, mas maingat ka. Mas masaya dahil nakikita mo ang mga pinaghihirapan mo.
Minsan nakakapagod din. Nakakasawa. Pero ang pagiging isang breadwinner kasi para sa akin ay responsibilidad ko na. Minsan may nagsabi sa akin:
Walang obligasyon ang anak sa magulang. Ang magulang ang may obligasyon sa kanilang anak.
Ngunit para sa akin, may obligasyon man o wala ang isang anak.. Marapat lang na ibalik din naman natin ang magaganda nilang nagawa para sa atin. Di man naibigay ng isang magulang ang lahat ng pangangailangan ng anak, alam ko namang binigay ng bawat magulang ang lahat ng kaya nilang gawin para sa mga anak nila. Sa paraang yun makikita nilang lahat ng paghihirap nila ay nagbunga. :)
Sa isang breadwinner nakakapressure ang mawalan ka ng trabaho. Inaasahan ng mga magulang mo ang tulong mo. At di man nila sabihin, mahirap din para sa kanila ang mawalan ka ng trabaho.
Di ka man breadwinner, pag nakaluwag ka at nagkaroon ng pagkakakitaan.. Wag mong kalimutang magbigay sa pamilya mo. Anumang halaga, malaking bagay yun para sa kanila at tiyak na ikatutuwa nila yun. :)
No comments:
Post a Comment