Wednesday, September 19, 2012

20 things I want to say to certain people.


Nakuha ko ito sa blog ni @thekunwariblog. Mainam ‘to para mailabas ko ang mga nararamdaman ko na hindi ko kayang sabihin.


1. Balang araw, lahat ng kaputa-putahang panunumbat at pagtuos mo sa lahat ng utang na loob namin sayo, babayaran ko.
2. Sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko para pakisamahan ka. Pero siguro nga, magkaiba tayo ng paniniwala at pananaw sa buhay, ikaw na rin ang nagpakita ng maraming bagay para lumayo ako sayo. Ganunpaman, humihingi ako ng tawad sa ilang pagkakamaling nagawa ko sayo.
3. Samat dahil kahit na may hindi tayo pagkakaunawaan, isa pa rin ako sa naalala mo noong mga panahong may problema ka.
4. Ikaw, iilang beses pa lang kitang nakakasama, kahit na tahimik ka at sa chat lang kita nakakakwentuhan, nais kong lumalim ang pagkakaibigang meron tayo.
5. Salamat at parati kang nandyan para suportahan ako. Malayo ka man, di ka nakakalimot na kamustahin ako. Huwag kang masyadong mag-alala, alam mo namang kayang-kaya ko ang sarili ko. Magpagaling ka. See you soon. I love you Superman.
6. Napakaplastic mo. Kung talagang matapang ka i-tag mo ko sa putanginang jejemon status mo sa FB ha. PAKYU.
7. Kahit na isang beses palang tayo nagkakilala, sigurado ako sa sarili kong gusto kita.
8. Hindi ko maiwasang isipin ka.
9. Isa ka sa taong pinakapinagkatiwalaan ko. Pero sinira mo lang e. Ayoko ng makita ang pagmumukha mo.
10. Salamat at nandyan ka pa rin at naaalala mo ako kapag may problema ka. Matapos ang di magagandang nangyari sa tropa, di mo pa rin ako iniwan. Kita tayo minsan, miss na kiita.
11. Ano man ang problema mo ngayon, kaibigan nandito lang ako para sayo. Alam kong kakayanin mo yan maging matatag ka.
12. Ang labo mo minsan pare. 
13. Hindi ko alam kung kaibigan ka bang talaga. Nahihiwagahan na ko sayo.
14. Ang landi-landi mo!
15. Kung anuman ang nakaraan natin, hanggang dun nalang yon.
16. Umaasa pa rin akong may marinig mula sayo. Sana maging magkaibigan tayo.
17. Namimiss kita.
18. Masaya akong naging kaibigan ka, masaya ako kapag kasama kita. Salamat at tanggap mo kung sino ako kahit baliw-baliw ako minsan.  Alam ko mang malabo ang gustuhin mo ang isang tulad ko, di ko maiwasan ang sarili kong hangaan ka. Salamat at isinama mo ako sa listahan ng mga kabigan mo. Salamat sa tiwala. Goodluck nga pala sa dinedate mo ngayon. Sana lumabas tayong magkakaibigan minsan.
19. Maging matatag ka. Mahirap mamuhay ng nag-iisa pero alam kong kaya mo ‘yan. Matapang ka. Magsumikap ka, balang araw mapapatunayan mo rin ang sarili mo at magtatagumpay ka.
20. Tangina mo.

No comments: