Tuesday, September 25, 2012

Puchu puchu..

Pagtitinginang magsisimula sa biruan. Asarang mauuwi sa pinausong PBB Teens. Sa tuwing nagkakasama, di maikubli ang pananabik sa isat isa. Manaka-nakang ngitian at ligaw tingin, pasimpleng paghahawak-kamay at sa tuwing nabibigyan ng pagkakataon, mahihigpit na yakap ang pinagsasaluhan.

Ngunit kapag natapos na ang araw at kailangan nang maghiwalay, dumadagsa ang maraming tanong sa isip. Tulad ng "ano nga ba ang meron kami?!" doon magsisimula ang pagkabagabag mo. At sa tuwing magkikita, mauuwi pa rin sa nakagisnang paglalambingan kahit na walang kasiguraduhan.

Darating ang araw na ang pagtrato niya sayo ay siyang trato na niya rin sa iba.

Bigla, sa di malamang dahilan, makakaramdam ka ng sakit na di mo inaasahan. Selos na di naman dapat dahil alam mong wala kang karapatan.

Na ang inaakala mong nasimulan, mauuwi sa pinapangarap at hinihintay mong pag-iibigan..

Na yun pala, puchu-puchu lang.

6 comments:

CheeNee said...

so may pinaghuhugutan??

Unknown said...

Hindi lahat ng post ko ay patungkol sa akin. May ilang naririnig ko lang na karanasan ng iba. Mema lang.

Pshe.

jhengpot said...

ay amputek! pakak na pakak to! bet! pa-share ha :) hehehehe

Unknown said...

Hahaha!!! Cge lang mj! Gora!!! :))

tara05angelee said...

@cheenee: eto ba bex? parang hindi naman.. haha

@jenn: totoo ba sinabi sken kng anu to? hahaha

Unknown said...

Bakit tara? Ano bang nakarating sayo tungkol sa post kong 'to? Hahahaha