Bata pa lang ako.. Im proud to be a Daddy’s Girl. Simula bata hanggang sa umabot ako ng high School. Hindi ako natutulog na hndi ko katabi ang daddy ko.. :) (IIlang sentence palang teary na ang mga mata ko.. Wag ko na kayang tapusin? hahaha) He’s name is Rodolfo. 62 years old. With 3 kids.. At ako yung bunso… Hilig kong kumandong/kumalong sa dadi ko… :) Pisilin yung ilong niya, Bunutin yung buhok niya sa ilong.. eeewww hahah! hawakan yung tenga niya.. Nakawan siya ng kiss! (Shy type si daddy ayaw ng pasweet!hahaha!) At umisyoso sa pagluluto niya pag sinisipag akong tulungan siya. :D We used to hang out para mag-fishing before with my lola. Kahit masunog kami ng araw! hahaha.. Lumaki akong nasanay na my dad is just beside me.. (wiping tears.bwiset naiiyak n ko sa mga naiisip kong isulat! emo much! hahahahah) na paggaling ko ng eskwela/opisina alam kong maaabutan ko na siyang nagluluto o nanonood ng tv. :D He’s the one who makes me smile kapag badtrip ako… mainit ang ulo.. guguluhin niya lang buhok ko gumagaan na ang pakiramdam ko… At lalo na kapag pinapagalitan ako ni mommy. hahahaha! pag inaabot ako ng katakot takot na sermon ni mommy at napatyempong tumalikod siya, To the rescue na si daddy para magmake face tumawa lang ako… At pag harap ni mommy biglang make face ulit na uber seryoso siya. hahahaha! I remember his expressions kapag nakikinig ng MUSIC. Sa kanya ko namana ang hilig sa musika. pero ayaw samin ng musika ee! nyahahaha.. Kahit lasingin mo pa ang daddy ko.. never mo siyang maririnig na kumanta. :D pero.. nakantahan naman na niya ako.. isang araw na nagkkwentuhan kami tungkol sa musika…
ME: dad may narinig akong mga old songs sa bus ang gaganda… pero di ko lam kung sino mga kumanta ee..
DAD: si tom jones maganda. yung elusive dream..
ME: paano yun? di ko ata alam yun. may cd tayo?
DAD: mmmmmmyyyyy eeeeellllluuuuuusssssiiiiivvvveeee dreeeeaaaammm… (with matching kulot ng boses at nginig ng baba!) hahahahahaha! LMAO! (halos mahulog ako sa upuan kakatawa!=)))))
Si daddy hindi yan showy.. mapagbiro siya at tamang aakbayan lang ako pag naglalakad kami.. siya ang bestfriend ko.. :) no.1! lahat inopen ko sa kanya.. lahat ng weakness ko alam ng dad ko.. at kahit may mali akong nagagawa sa buhay hindi nabawasan ang tingin niya sa kin bilang anak niya… sinuportahan niya ko sa lahat ng bagay…
ngayong nagtatrabaho na ko… Napagdesisyunan na magsarili na muna ako.. Iba pala ung feeling… Masaya ka kasi WALANG nagbabawal. wala kang dapat pagpaalaman na parents kung may lakad ka.. Walang sermon… Pero hindi sobrang saya ng feeling ee. Casual lang. Iba parin ung happiness na kakulitan mo family mo… Ung uuwi ka sa bahay na may daratnan ka… May kakamusta ng araw mo galing sa trabaho/eskwela.. May makakasama kang manood ng tv habang nagpapahinga… haaaaaaaaaay…
Daddy,
Alam ko na hindi naging madali para sayo na malayo ka sa 'min. hahaha. Na galit galit na muna tayo nila mommy.. Alam ko na nag-aalala ka na samin kung ano lagay nmin… Basta magpagaling at magpalakas ka OK??? Gusto kong sabihin sayo na wag masyadong mag-alala.. Ok lang kami.. Ako pa? hahahaha! Ayokong maapektuhan pa kalusugan mo. Keep in touch w/ mom palagi.. Sorry I’ve been busy this past few days kaya di nkakapagparamdam. You know naman na Im trying to open a new chapter of my life kaya ko nag-solo.. haha. Miss ko na ang fishing rod na ginawa mo para sa akin. Matagal-tagal ko na rin yang hindi nagagamit. At ang mga luto mo.. Kahit nakuha ko na ang timpla ng ilan sa luto mo, iba pa rin pag ikaw. hindi kasi ako pagod. Lamon nalang! Hahaha.. Tandaan lang ang lahat ng promise ko sa inyo.Although matatagalan.. Soon darating. Naks! Korny ko na masyado! hahahaha!
-Jenn
PS:
Although pabiro ko lang kadalasang sinasabi….. I LOVE YOU. ;) And I’m so thankful and proud to be your daughter… Emo much nako! hahahaha! Crying out loud nako ng uber! hahahaha! babush! see yah soon!
Katext ko siya.
DADI: kamusta ka na? Di ka nakakapagtext masyado ah
ME: eto dad nakahiga kakauwi ko lang.. pasensya na.
DADI: kumakain ka ba sa oras? baka ang gastos mo puro ka gimik ha.
ME: hindi kaya dad! Uber tipid ko nga ee. Sitaw lang kinakain ko. :(
DADI: aba wag ka naman masyadong magtipid baka kasing payat ka na ng sitaw. kawawa ka naman..
ME: hahahaha! what the! singpayat ng sitaw? bilog na bilog na nga ako dad ee! kasi sabi mo pag uwi ko dapat chubby na ulit ako! mukha na kong kalabasa! hahahaha! :D di na ko gumigimik good girl na po ako.. :D
DADI: eh para ka kasing nag-aadik kapag payat.
ME: ang mean mo! hmpf!
DADI: o siya sige na. umuwi ka dito sa sun.
ME: try ko dad ha.. ok i miss you… I love you dad! super!
DADI: ok anak. i love you 2.
(DADI! Alam mo bang ngayon lang!? ngayon mo lang yan sinabe! tumulo luha ko! kainis ka! grrr!)
Sabi ng mga pinsan ko kamukha daw ng daddy ko si Mr. Fredricksen sa movie na Up. XD
No comments:
Post a Comment