Thursday, September 20, 2012

Mahal mo may mahal ng iba.


Alam mo ba yung pakiramdam na kahit anong gawing iwas mo sa taong mahal mo hindi mo magawa kahit alam mong may mahal silang iba?
kahit alam mo.. Sige ka pa rin… Pilit mong itatago yang nararamdaman mo.. Kasi natatakot kang iwasan ka niya.. Gagawin mo ang lahat lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kanya kahit na walang kapalit. kahit hindi ka masuklian. Sabi nila tanga ka raw.. Masokista.. Manhid.. Lahat na… Pero makita mo pa lang siyang ngumiti at magpasalamat sa magagandang bagay na ginagawa mo para sa kanya ok ka na. masaya ka na. Kasi kahit papaano naappreciate niya..
Nalaman niya.. Gusto mo siya.. Hindi ka niya iniwasan.. Kasi ang totoo.. Malaking parte ka rin ng buhay niya.. Kailangan ka din niya.. Pero.. Iba pa rin ang mahal niya. Dahil sa gaga/gago ka nga daw.. Sige ka pa rin. Ginagawa mo pa rin ang lahat lahat ng kaya mo para sa kanya.. Gaya nga minsan ng nasabi ko… Ang pag-ibig mo para sa kanya’y sing lagablab ng isanglibong araw pero ang nararamdaman niya para sayo parang watusi lang. Unfair no?
Mababagabag ka. Iisipin mo kung hanggang kailan ka nga bang aasa.. Hanggang kailan mo gagawin ang lahat para sa kanya.. Makakaramdam ka ng pagkainip.. Ng pagod… Sa araw araw na ginagawa mo.. Makakamit mo pa nga ba ang pag-ibig na hinahangad mo? buwan na ang lumilipas.. Pero.. Anumang ginawa mo.. Hindi ka pa rin niya nagawang mahalin.. 
Sasagi na sa isip mong tapusin na ang kagagahan/kagaguhan mo.. Ito na.. Lalayo ka na.. Buburahin mo ang no. niya sa contacts mo kahit kabisado mo naman. Iiwasan mo siya.. gagawin mo ang kung ano anong pagliko para lang mawala lang siya sa paningin mo. Ayos na?
Hindi.. Kasi.. hindi ka makatulog kakaisip sa kanya.. Na parang gusto mong sumigaw at gusto ng sumabog ng utak mo… Kukunin mo ang cellphone mo para kamustahin siya… Di mo kaya no? Balik ka na naman sa dati.. Okay na kayo ulit.. Gagawin mo ulit yung mga rutang nakagawian mo.. Aasa.. Maghihintay… Magbabakasakali.. Magsasakripisyo..
Kasi.. Kahit masakit.. Mahal mo.. Kahit na may mahal ng iba.

No comments: