Thursday, September 20, 2012

Single


Masarap ang single.. Nagagawa mo ang lahat ng gusto mo.. Walang boyfriend/girlfriend na kokontra sa mga gusto mong gawin at puntahan. Hindi ka nababagabag kung bakit hindi pa nagtetext at tumatawag sayo ang bf/gf mo. Nakakausap mo ang mga taong gusto mong kausapin ng walang nagseselos! Hindi ka nangangamba kung anong ginagawa ng bf/gf mo sa oras na toh.. Ikaw ang numero unong nang-aalaska sa mga kaibigan mong binabagabag ng lovelife nila. Ikaw ang unang naninisi kapag iiyak-iyak ang kaibigan mong niloko ng bf/gf nila.. Minsan ikaw din ang parating takbuhan.. Sayo lahat ang bagsak ng mga kaibigan mong broken hearted.. Sasabihin nila “buti ka pa. ayoko na talagang mainlove!”
Pero minsan.. Nararamdaman at naiisip natin na parang may kulang. Na anuman ang gawin natin.. Saan man tayo magpunta.. Hindi pa rin tayo masaya.. Maaalala yung mga nakaraan.. Maaalala mo ang panahong may bf/gf ka pa.. mamimiss mo yung mga mensaheng natatanggap mo sa araw-araw  pagkaising at bago matulog.. Namimiss mong may kapalitan ng iloveyou.. Ang mga nakakasabik na monthsary at anniv.. Namimiss mo ang may date.. Ang manood ng movie habang katabi ang taong pinakaespesyal sayo… 
Pero wala e. Walang dumarating. Patuloy kang maghihintay… gagawin ang mga araw-araw mong gawain.. Magbi-busy-busyhan.. But at the end of the day.. Hihiling ka na sana.. Isang araw.. May dumating ng espesyal na tao sa buhay mo.. 

No comments: