Wednesday, September 19, 2012

Oh well papel.


Bakit kaya kahit anong pilit mong gumawa ng tama lagi nalang mga mali ang nakikita. Nakakapagod na minsan. Gaano ko man patunayan sa iba na iba na ako ngayon.. Hindi na ako yung dati na walang pagpapahalaga sa buhay. Puro kawaldasan ang alam. Puro pagpapabaya.. Porket yun ang nakita sa akin hindi na ba yun pwedeng mabago? Hindi na ba ako pwedeng magbago? Hindi ba ko pwedeng magising na isang araw pinapahalagahan ko na ang bawat bagay/tao na meron ako? Na masaya at kuntento ako sa kung anong meron ako? 
Dati basang basa ang papel ko sa pamilyang kinalakihan ko. Ako ang masama, ako ang tinaguriang BLACKSHEEP. Ngayong nagbabago na ko, wala pa rin akong makitang kagalakan mula sa pamilyang ‘to. Natuyo na ang papel noon. Mahirap nga ata kapag tag-ulan. Nababasa na naman ang papel ko. 
Nakakasama ng loob. Pero mas pipiliin ko nalang na hayaan kung ano ang mga nasa isip nila. Hindi ko na kailangang patunayan kung ano pa ako. Pero sana bago ako husgahan, dinggin na muna ang panig ko.
Ayoko ng paapekto. Gusot man o hindi, Basa man o tuyo, Mananatiling matatag at malinis ang papel ko.

No comments: