Saturday, September 22, 2012

Sugal.

Ilang beses na rin akong nakaranas magsugal. Noon, malakihan ako kung pumusta. Sa una nananalo, pero sa huli nauuwi rin akong talunan. May panahong sinusukuan ko na ang pagsusugal, pero pag naglaon, hinahanap hanap ko pa rin. Yung pakiramdam na nananalo ka, tiba-tiba e.

Hanggang sa wala na kong maipusta. Dalawang taon akong di nakapagsugal. Nakakaipon ng pwedeng ipangsugal pero hindi na ko sumubok pa.. 2 taon na minsan din naman e hinahanap hanap ko. May darating yayayain akong magsugal. Pero kadalasan e tinatanggihan ko na rin. Hanggang isang araw, may nagpakita sa akin ng maraming bagay para subukan ang sumugal ulit.

May takot mang maulit ang ilang beses na pagkatalo, kahit na walang kasiguraduhan ang manalo e sumugal ulit ako. Pero ganun at ganun pa rin ang naging takbo ng laro. Sa una pakiramdam mo panalo ka na e. Biglang madadaya ka pa o di kaya e may kalaban ka na mas maganda ang barahang hawak kesa sayo. Uuwi ka na namang talunan.

Haaay... Pagsugal sa pag-ibig. Ang daming beses ko na ring sinabi na ayoko na pero ang sabi ng karamihan, sukuan ko na lahat, wag lang ikaw. Ikaw na magpapaligaya sa buhay ko. Magbibigay-kulay, ngiti , mga paru-parong kikiliti sa sikmura ko. Darating ka pa ba? Gaya ng sinabi nila, sana nga natrapik ka lang.

Sa bawat pagkatalo, ang dami ko ring natutunan. Natuto akong mag-ipit ng baraha. Hindi na rin ako basta basta mag-o-all in. Hindi ko na rin ipupusta ang lahat. Para kung sakaling matalo ako ulit at maisipan ko ulit ang sumugal, may tira pa kong pwede kong ipusta. :)Haaay... Nakakamiss magsugal!

2 comments:

CheeNee said...

hahaha.. oi wag ka mag ipit ng baraha.. bilang yan! mag ipit ka nalnag ng chips.. hahahah

Unknown said...

hahaha!!!sa tong its kailangan marunong kang mag-ipit ng barahj para di makachow ang kalaban!! Wag bsta bsta magtatapon. ehehehe.