May mga taong ganyan pagdating sa pag-ibig. Minsan kahit komplikado at nasasaktan sila, tuloy pa rin. Minsan iniisip ko, masokista ba sila, tanga o sadyang nagmamahal lang?
May mga taong kahit na may mahal ng iba.. At ginagawa silang pangalawa, tanggap pa rin nila kahit masakit na pangalawa lang sila. Wag lang masaktan yung taong mahal nila.. Hinahayaan na lang nila ang mga ito sa ganoong sitwasyon. Ngunit hanggang kailan? Hanggang kailan mo tatanggaping may kahati ka? Hindi ikaw ang prioridad. Ikaw lang ang siyang bagsakan nila kapag hindi maganda ang sitwasyon nila ng una. Ikaw ang takbuhan kapag walang oras sa kanila ang taong mahal nila. Bakit? Kasi alam nilang hindi mo sila tatanggihan. Alam nilang anumang oras tanggap mo sila. Mahal ka nila? Maaring magmahal ng dalawang tao. Pero may mananaig. May mas matimbang. At doon, dapat silang mamili. Hindi maaaring pagsabayin. Dahil tiyak marami ang masasaktan..
May mga tao ring nasasaktan na, patuloy na umaasang isang araw magkakarelasyon sila ng taong mahal niya. Hanggang “something” lang ang meron sila. Nasasaktan at naguguluhan na sila sa kung anong meron sila pero patuloy pa ring umaasa, naghihintay..
Iba-iba talaga ang tao pagdating sa pag-ibig. Maraming tinatawag nilang “tanga”, “martir” at kung anu-ano pa.
Pero ano bang magagawa natin kung doon masaya ang mga taong malapit sa atin? Pipigilan mo ba sila kung doon nila nakikita ang kaligayahang hinahanap nila?
No comments:
Post a Comment