Wednesday, September 19, 2012

...

I want a place where i can start over. yung tahimik na lugar.. presko, yung malaya akong makakagamit ng bisikleta paglalakbay sa mga gusto kong puntahan. Malayo sa kabihasnang puro gulo at problema.. Gusto ko ng isang lugar na malaya kong magagawa ang mga bagay na gusto kong gawin, mga plano sa buhay kong ako ang magdedesisyon. Lugar kung saan makakapagsimula ako ng panibago kong buhay. Bagong ako. At lilisanin ang malungkot na nakaraan sa buhay ko. Lugar kung saan walang sinumang nakakakilala sa akin. Yung makakapagsimula akong muli. Yung walang sinumang makakapagsabing kilala ko ang taong yan at sasabayan ng panghuhusga sa kin. Malayo sa mga taong gusto ko ng alisin sa buhay ko. Malayo sa mga taong gusto ko ng kalimutan. Sana isang araw.. Matagpuan ko ang sarili kong pumapasok sa trabaho gamit ang isang bisikleta habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin.. Naglalakad sa dalampasigan o di kaya’y tinatanaw ang malawak na karagatan sa bintana ng aking kwarto. Gusto kong maging malaya at hanapin ang sarili ko.

No comments: