Kung hindi mo rin lang binibigyang respeto at halaga ang sarili mo.. Wag mong aasahang maibibigay sayo ito ng ibang tao.
Minsan sa pag-ibig.. Kapag nagmahal ang karamihan sa atin nakakalimot na tayo sa ating mga sarili. Ang importante nalang sa atin yung mapasaya yung mga taong mahal natin. Kahit na lumalagpas na tayo minsan sa limitasyon at kahit nga minsan may mahal ng iba sumisige pa rin tayo. Pinapatunayan nating tayo ang mas karapat-dapat.. Patuloy tayong umaasa na isang araw matututunan din nila tayong mahalin, na maaappreciate nila ang lahat ng ginagawa natin para sa kanila. Pero hanggang kailan? After a year? 2? 3 years?
Kadalasan, inaabuso na ng iba. Tapos pag sa huli iniwan tayo, sasabihin mo niloko ka. Ginamit ka.. At kung anu-ano pa.. Pero bakit nga ba humantong sa ganun? Kasi hinayaan mo e. HINAYAAN mo na gamitin ka. Abusuhin ka. Alam mo naman sa una na dehado na e. Walang kasiguraduhan.. Pero nagpatuloy ka padin. Nagbakasakali.. You gve and do everything for him/her just to make them happy.. At naging masaya ka din naman by doing so..
Palagay ko.. Para maiwasan natin ang mga ganitong bagay kailangan sa atin magmula ang respeto, pagpapahalaga at pagmamahal sa ating sarili. Hindi naman masama ang magmahal. Pero mahalin mo din ang sarili mo. Kung sa palagay mo inaabuso na ng iba ang nararamdaman mo, dumistansya ka kahit konti. Ikaw na mismo ang magbigay limitasyon sa sarili mo. Para sa huli.. wala kang pagsisisihan na isang araw nawala na sayo ang lahat, wala ka pang napala.
No comments:
Post a Comment