Nakaupo ako sa sulok ng kama ko hawak ang yosing unti unting nauupos. Nakatanaw sa makulimlim na ulap.
Mukhang bubuhos ang malakas na ulan. Sa loob-loob ko. Biglang nagbalik sa aking ala-ala ang panahon ng kabataan ko.
Masayang batang madungis na madungis ang nakikipaglaro ng mataya-taya.
“Nakooo! Uulan! Pauuwiin ako ng mommy ko nito!” sigaw ko.
Panay ang panalangin noon ng mga kalaro kong wag matuloy ang pagbuhos ng ulan.
“Alam ko na! Kanta tayo” suhestyon ng isang kaibigan ko.
“Ulan! Ulan! Ulan! Talo ng Araw! ” Paulit ulit. Para kaming nagwewelga.
“Alam ko na! Magdrawing tayo ng maraming maraming araw!” sagot ko.
At tuwing kumukulimlim, mabilis ang pagdampot naming ng maliit na tangkay ng puno at nagsisimulang gumihit ng maraming nakangiting araw.
Gumuguhit habang pinapaulit ulit ang “Ulan ulan ulan! Talo ng araw”
Pag napuno na namin ang lupang iniikutan namin ng araw, magpapatakbo takbo kami habang paulit-ulit sa pagkanta ng:
“Rain rain go away come again another day little jhenn jhenn wants to play..”
Isa yan sa ka-weirdohan ko noong bata.. Matapos kong magbalik-tanaw, Lumabas ako..
Inulit ang bagay na yan na aking nakagawian noong bata. Gumuhit ako ng maraming araw na nakangiti, pabulong na kinakanta ang “Ulan ulan ulan, talo ng araw” at “Rain rain go away”
At ng matapos, makalipas ang kulang-kulang kalahating minuto, maniwala ka ma’t sa hindi, hindi natuloy ang pagbuhos ng ulan at ang pag-ambon ay nawala. :)
Effective pa din pala ang orasyong yun. :D
No comments:
Post a Comment