Wednesday, September 19, 2012

Happy Birthday to me!!!

Kamakailan lang ay nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at blogger sila dito sa blogspot. Naengganyo rin akong subukan ang maglahathala ng ilang shits ko sa pang araw-araw na pamumuhay at mukhang maganda naman ang tumambay rito. Hello gais. Mehehe.

Kauuwi ko lang galing sa isang bar sa timog bandang quezon city. Doon kasi namin naisipang i-celebrate ang birthday ko kasama ang ilang malalapit na kaibigan. Tawanan, kulitan habang naglalaro kami ng baraha. Halos lahat sila nalasing. Ako, sakto lang. Haha. (naks) Nakikipagkulitan, nakikitawa habang nagtetext. Eto lang ang ayoko kapag nakakainom ako e. Nasasabi ko ang ilang bagay na hindi ko naman dapat sabihin. Dahil una, wrong timing. Wala pa sa tamang panahon para sabihin ko. Pangalawa, minsan komplikado na nga, dahil sa matabil kong dila eh mas lalong nagiging komplikado. Pangatlo, magulo na kong kausap. Kaya mas mabuti pang wag mo nalang intindihin ang mga shits na pinagsasasabi ko.

Masaya naman ang naging selebrasyon ng birthday ko. Pero sana kung ano man ang nasabi ko sa kung kanino man, kalimutan nalang nila. Hahaha. Pukang ama, baka ang pagkakaibigang nasimulan mauwi pa sa ilangan.

Bahala na bukas. Gusto ko ng matulog pero hindi pa ko dinadalaw ng antok. Magandang umaga.

No comments: