Friday, September 21, 2012

Paasa


Bakit kaya may mga taong nagagawang abusin yung pagmamahal ng iba para sa kanila… Sapat na nga minsan yung hayaan mo silang ipakita yung nararamdaman para sayo. Kahit hindi mo na nga suklian e. Minsan ok lang. Kahit papaano masaya na sila dun. pero kailangan pa bang abusuhin mo pa? Alam mo ba kung gaano kahirap yung ipagwalang bahala na hindi mo kayang suklian? Wag ka lang lumayo.. KMinsan sila pa nga yung umiintindi dba? “Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo rin ako e. Hayaan mo lang akong mahalin ka..” Alam mo ba kung gaano kasakit at kahirap yang sitwasyong yan? Haaaay.. Yung mga effort na ginagawa para sayo.. Alam mo ba kung gaano kahirap.. Tapos darating sa puntong aasa sila.. na balang araw maaappreciate mo din ang lahat.. mahuhulog din ang loob mo sa kanya… Doon palang sa mga pinapangarap niya lalakasan na siya ng loob.. Kahit walang kasiguraduhan. Magbabakasakali sila. Pero ikaw.. Imbes na maappreciate mo.. Anong ginagawa mo? Inaabuso mo pa.. Masaya kang itunuturing kang espesyal.. pero hanggang dun lang. Hanggang kailan mo siya papaasahin? Tapos biglang susundot sayo konsensiya mo.. Maaawa ka.. Tapos pag di mo na kaya.. Ganun mo lang siya irereject. Sorry. O kaya biglang isang araw.. may iba ka na.. siya bye bye nalang. ganon lang kabilis.. biglaan. minsan wala ka pang pasabi. :( Lalayo ka nalang.
Sana sa umpisa palang kung ayaw mo, diretsuhin mo nalang siya. Para di naman umaasa.. diretsuhin mo nlang.. masaktan man siya.. hindi kasing sakit ng paasahin mo tapos ilalaglag mo lang sa huli. Lumayo ka nalang.
At ikaw.. Ikaw na nagmamahal. Alamin mo naman kung kailan ka dapat huminto. kailan ka dapat pumreno. Hindi naman masama magmahal e. pero sana wag naman sobra-sobra.. Diba sabi nila ang lahat ng sobra masama. kasi nasasayang. Binibigyan mo sila ng dahilan para abusuhin ka e. Tapos sasabihin mo pag bigla kang binitawan sa ere, pa-fall sila. paasa. Magpapaasa ba sila kung walang aasa? :( nasasaktan ka na sige ka pa rin. Kitang kita na ngang walang patutunguhan nagpupumilit ka parin. Sana ikaw magsimula ka na pahalagahan din ang sarili mo.. :(
Mahalin mo rin naman ang sarili mo.. Laging sa huli nasasaktan ka.. Hindi masamang sumugal sa pag-ibig. Pero pag alam mo ng dehado ka na.. Itigil mo na. Ipaubaya mo na..
“Minsan ang pag-ibig parang poker. Sa una mapapansin mong may laban pa.. Pero kapag sinama ang baraha mo, wag mo ng ipilit pa. Paubaya mo na sa iba. Pwede ka namang mag-fold e. Kesa naman maubos na ang lahat sayo ng dahil sa pagbabakasakali mong manalo ka..”

No comments: