Thursday, October 18, 2012

Nasaan ka ligaya?

Nitong mga nakaraang linggo, depressed ako. Ewan ko ba. Parang nawalan na ko ng gana sa buhay. Nakakapagod. Wala na kong ganang pumasok. Parati nalang mabigat ang pakiramdam ko. Bihira na rin akong kumain. Kung nakasanayan ko na ang di pag-aalmusal, ngayon sanay na rin akong hindi maghapunan. Pagod na ko. Sa tuwing lalabas ako kasama ang mga kaibigan ko, pinipilit kong ipakitang masaya ako. Walang inaalala, walang bumabagabag. Pinipilit kong tumawa, magpatawa, ngumiti na parang ayos lang ang lahat. Iinom. Pero minsan pakiramdam ko di na kaya ng katawan ko na kumonsumo ng alak. Ayos kasi yung pagpapanggap ko epektibo. Wala ni isa man sa mga kaibigan ko ang nakakapansing may kung anong di ko maipaliwanag akong pinagdadaanan.

Hindi ko alam kung saan ang direksyon ng buhay ko pero parang wala. Pinipilit kong ayusin ang sarili ko pero di ko magawa. Lumalabas ako para maging masaya pero pagpasok ko sa kwarto at ako nalang mag-isa, hindi ko maiwasang mag-isip. Malulungkot, iiyak. Eto na naman ako sa di magandang libangan ko e. Tanginang random thoughts yan.

Malaya man ako, pero pakiramdam ko nakakulong ako. Nakakulong sa kalungkutan. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Kung saan akong lupalop pupunta para maging masaya. Hindi ko na alam kung anong gusto ko. Hindi ko matulungan ang sarili kong umusad.

Tnagina, ewan. Ang labo-labo ko dre.

*buntong-hininga*

Friday, October 12, 2012

Not enough.

Bakit kaya ganun? Parati nalang akong option. Ako yung parang laging hindi sapat. Minsan iniisip ko mahirap nga ba talaga akong mahalin? Dahil ba sa simple lang ako? Hindi kagandahan o maporma tulad ng iba. Dahil siguro sa mataba ako? Haha. Hindi ko alam.

Minsan sumasagi sa isip ko ang mga nakaraan kung saan kahit alam ko sa sarili kong ginawa ko naman ang lahat ako pa rin ang laging iniiwan. Matapos kong ibigay ang lahat para maipakita ang pagmamahal ko, sa huli ako pa rin ang sinasaktan.

Hindi ko maintindihan kung bakit may pumapasok sa buhay ko pero hindi para mahalin ako.. Lagi nalang nauuwi na iiwan at sasaktan ako. Dumarating ako sa puntong gustong-gusto ko nang sukuan 'tong paghihintay ko sa pagdating ng taong para sa 'kin.. Dyan sa letseng pag-ibig na yan.. Pero alam ko rin naman sa sarili kong ito lang din ang magpupuno sa pakiramdam kong kulang sa buhay ko.

Parang minsan pakiramdam ko ako yung tipo ng taong pag nasa isang crowd, ako yung huling huli na pipiliin. Parang ako yung pipiliin kapag wala ng choice.. Pag lahat napili na o napagpilian na.

Ni minsan hindi ko naranasang ako yung piliin out of millions of people. Kahit saang bagay hindi ako naging priority. Palaging second choice.

Sabi nila be yourself. Pero minsan gusto kong baguhin kung sino ako. Pakiramdam ko yung totoong ako sa karamihan hindi sapat.

Ang hirap kasi kapag lagi akong napag-iiwanan hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung ano bang kulang.. Ano bang mali? Mga tanong na hindi ko rin naman alam kung ano ang kasagutan. Minsan pakiramdam ko sinasaktan ko ang sarili ko. Tatanungin ko kung saan ako nagkulang gayong alam ko namang binigay o ginawa ko ang lahat ng makakaya ko..

Makakaya ko para ipakita na karapat-dapat akong mahalin.

Pero sa huli.. Iiwan ako.. Kasi.. Palagay nila, hindi ako sapat.

Collide. (Panyo part II)


Walong buwan na rin ang nakalipas. Walong buwan simula nang iniwan niya ko. Iniwan sa isang kanto kahit na malakas ang ulan. Walong buwan simula nang huli akong umiyak. Hindi rin naging madali sa akin ang ipagpatuloy ang buhay ng wala siya. Ang mga unang linggo'y naging miserable. Walang humpay na pag-inom mapaumaga man o gabi. 

Mga unang linggong sumasagi pa rin siya sa isipan ko.

"Masaya kaya siya? Kamusta na kaya siya?" mga tanong na paulit-ulit na bulong ng isip ko.

Ilang buwan din akong umaasang may maririnig mula sa kanya. Maya't maya pa rin ang pagtingin ko sa selpon ko, umaasang isang araw makakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. Araw-araw na pag-oonline sa facebook para tignan ang larawan niya, ang ilang update sa status niya.. Araw-araw.

Hanggang sa.. napagod na ko. Napagod na ko kakaasang isang araw babalik siya. Napagtanto kong wala ng direksyon ang buhay ko. Napabayaan ko ang trabaho ko. Iinom ako sa gabi, aabutin ng umaga at diretsong papasok sa opisina. Hindi ko nagagawa ang mga dapat kong gawin na siyang naging dahilan para sibakin ako sa trabaho. Tinalikuran ko ang pamilya ko, maging mga kaibigan ko. Kinulong ko ang sarili ko at ginawa kong libangan ang magmukmok, umaalis ng hindi alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Walong buwan nang nakalipas.. Mula ng sabihin niyang ayaw na niya.. Na wala ng patutunguhan ang kung anong meron kami. At ang pinakamasakit, noong sinabi niyang.. 

“Wala na kong nararamdaman para sayo.”

Wala siyang iniwang dahilan o paliwanag kung bakit nauwi sa ganoon ang lahat. Mula noon ay wala na akong narinig pang balita tungkol sa kanya.

Walong buwan ang nakalipas mula noong huli akong umiyak. Umiyak ng tila walang katapusan. Nauubos nga kaya ang luha kaya mula noon ay hindi ko na nagawa ang umiyak?

Hindi ko inaakalang magagawa kong ibangon ang sarili ko mula sa matinding pagkakalugmok na iyon. Pero matapos ang ilang buwang nakasalampak ang katawan ko sa daan, unti-unti rin akong nakabangon. Sinimulan kong maglakad-lakad.. Naghanap ako ng trabaho at natanggap bilang Marketing Professional sa isang Automotive Company. Nagsimula na ulit tumakbo ang buhay ko.. Naging bihira na ang pagsagi niya sa isip ko.. Nagawa kong abalahin ang sarili ko sa maraming bagay. At unti-unti ko ng naibalik ang dati kong sigla. Masaya na kong gumigising sa umaga para pumasok sa trabaho at makasama ang mga bago kong kaibigan. At mula noon, napagtanto kong kaya ko palang mabuhay ng masaya na wala siya. Natanggap ko na sa sarili kong kailangan ko ng umusad palayo sa nakaraan at hanapin ang ikasisiya ko sa hinaharap.

Minsan sumasagi sa isipan ko ang lalaking nag-abot sa akin ng panyo noong mga panahong sinasalanta ako ng matinding bagyo. Ang panyong yun ang nagmistulang payong na nasilungan ko.. Hindi ko makakalimutan ang mukha ng taong yun. Hindi ko maintindihan kung bakit umaasa akong makita siya.


Hanggang isang araw..

“All Marketing Professionals and Group Sales Managers, please proceed to the conference room for your Gen. Sales Meeting.” Anunsyo ng receptionist namin.

Haaay meeting na naman”. Sa loob-loob ko.

Agad kaming nagtungo sa conference room. Lahat kami tutok ang atensyon sa mga big boss naming nanenermon tungkol sa kung papaano mapapalakas ang bentahan ng produkto namin. Sermon sa mga grupong mahina ang benta at papuri naman sa mga grupong malakas bumenta. Sa kamalas-malasan e nagresign ang Sales Manager namin kung kailan mahina ang benta ng grupo namin. Kami tuloy magkakagrupo ang isa-isang nasermonan. Habang nagdadadakdak ang VP namin e siya biglang bukas ng pinto. Iniluwa noon ang isang pamilyar na mukha ng lalaki.

“Good morning Mr. President and Boss Frank. Sorry I’m late.” Nakayukong bati niya sa mga big boss namin.

Tumayo ang Vice President namin at nagsalita.

“Guys, this is Mr. Francis Dy. The new Sales Manager of Group 9.”

Hindi ko magawang tignan ang lalaking nasa harapan dahil ayokong makita niya ang mukha ko. Binalot ang katawan ko ng matinding hiya na sulyapan siya. Panay ang dalangin kong sana e hindi niya ako mamukhaan.

Hoy Claire ikaw na.” sabay siko sa akin ng kagrupo ko.
Ha?!” wala sa ulirat na tanong ko.
“Ano bang nagyayari sayo? Magpakilala ka na sa Sales Mngr. natin. Utos ni VP.” Sagot niya.
“SHIT.” Mura ko sa isip ko.

Lumutang ang isip ko at di ko na namalayan na pinag-isa-isa pala ang buong grupo namin para magpakilala sa bago naming manager.

Tumayo ako..

 “Good Morning Boss. I’m Claire Angeles.”  Pakilala ko na malayo ang tingin sa kanya.

Agad na akong umupo at nanalanging sana matapos na ang meeting. Ramdam ko ang pagtingin niya sa direksyon ko.. Hindi ko malaman kung saan ko ipapaling ang tingin ko huwag lang magtama ang mga mata namin.

Nang i-anunsyong tapos na ang meeting, dali-dali na akong tumakbo palabas. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa lalaking ‘yon. Ang lalaking nag-abot sa akin ng panyo walong buwan na ang nakalipas. Hindi ko alam kung sa pagharap ko sa kanya e magpapanggap nalang akong hindi ko na siya natatandaan pa o aaminin ang minsang pagbabangga ng landas namin.

Bahala na.” sa isip-isip ko. Panay na lang ang dalangin kong sana hindi niya na ako natatandaan.

Agad kong tinungo ang hagdanan pababa. Yosing yosi na ko sa nararamdaman kong tensyon. Pagbaba ko,hindi ko alam na kasunod ko pala siya.

“Claire right?” tanong niya.

Nilingon ko siya at pilit akong umarte ng natural kahit halos kumawala na ang puso ko sa sobrang kaba.

“Opo boss.” Kaswal at may ngiti kong sagot.

“Alam mo you look familiar. Parang nagkita na tayo somewhere.” Sambit niya ng may ngiti sa labi.

ASDFGHJKL. “Tangina ito na!” sigaw ng isip ko.

“Haaa?! Ah e.. Hindi ko po alam boss. Parang di ko naman po natatandaan.” Nakayukong sagot ko.

“Sigurado ka? Parang naka—“ Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang cellphone niya. Nag-excuse siya para sagutin ang tawag. Tumango ako at dali-daling naglakad palayo.

Haaay. Salamat!” bulong ko.

Natapos ang araw na pare-pareho kaming abala sa kanya-kanya naming kliyente.

Nagdaan ang mga araw, linggo at buwan.. Unti-unti na ring nawala ang nararamdaman kong ilang sa kanya.. Palabiro siya. Lahat kami ay natatawa sa ilang pang-aalaska niya. Hindi na muling naungkat ang tungkol sa amin. Marahil ay hindi niya na ko natatandaan. Hindi lang namin siya naging boss, naging kaibigan na rin namin siya. Di rin naman kami nagkakalayo ng edad. Madalas ay lumalabas na rin ang grupo kapag maganda ang nagiging benta namin.

“Claire, may lakad ka?” tanong niya.
“Ah.. Boss wala naman.” Sagot ko.
“Samahan mo ko sa SM para dun sa display natin next month.”
“Ah okay, sige boss.” Tugon ko.

Lulan ng sasakyan niya ay narating na namin ang SM Megamall. Inayos ang transaksyon para mabigyan ng permit na makapagdisplay kami ng sasakyan. Nang matapos ang mga bagay na kinakailangang ayusin, nagyaya siyang magkape muna kami bago umuwi.

“Claire matagal na rin naman tayong nagkakasama, magkaibigan na rin naman tayo..  Hindi ko nagawang sabihin ‘to sayo noon kasi alam kong maiilang ka. Pero kung inaakala mong nakalimutan ko na ang gabi na malakas ang ulan at may isang babaeng umiiyak sa tabi ko sakay ng bus, nagkakamali ka.” Walang kaabog-abog na sambit niya.

Boss kalimutan mo na yun. Tapos na yun e.” ilang na ngiting sagot ko.

“Alam mo bang umaasa akong makita kang muli? Kahit hindi na ko coding nagbubus ako ng halos ilang linggo makita ka lang.”

“Boss Malabo na yun. Mas pinipili ko nalang ang magmrt o lrt kesa magbus.” Pabirong wika ko.

“Ano bang nangyari nung gabing yun?!” usisa niya.
Iniwan ako ng bf ko e.” tatawa tawang sagot ko.

“Tarantado naman pala yung bf mo e. Buti nalang din na nakawala ka sa tulad niya. Hindi karapat-dapat para sayo ang ganong klase ng lalake.” Sermon niya.

Wala na yun boss. Kinalimutan ko na yun matagal na.” sambit ko.

Natapos ang pagkakape namin na masayang nagkwentuhan tungkol sa opisina.

“Saan ka? Ihahatid na kita.”
“Wag na. Okay na ko” tanggi ko.
“Tara na. Gabi na rin. Wag ka ng makulit”

Nagpaubaya nalang akong ihatid niya ko. Habang nagbibiyahe, masaya lang kaming nakikinig ng mga kanta.

Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills your mind.
You finally find you and I collide..


“Claire.. Gusto kita.” Biglang sambit niya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naguluhan ako bigla. Nakaramdam ng ilang, para akong biglang nalito. Nagulat ako sa sinabi niya.

“Handa akong maghintay kung hindi ka pa handa. Simula noong gabing nakita kita, hindi ako sumuko. Sinabi kong isang araw magkikita tayo, at masaya akong nangyari yung inaasahan ko.” pag-amin niya.

“Hindi ko alam kung handa na nga ba ko.” Tanging sagot ko.

“Maghihintay ako. Hindi ko naman hinihiling na magdesisyon ka agad-agad. Pag-isipan mo.”

Hindi na ko umimik. Maging siya rin nanatiling tahimik hanggang makarating kami sa amin. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto.

“Maraming salamat.” Sambit ko.
“Salamat din. Maghihintay ako Claire. Nandito lang ako.. Sana lang bigyan mo ko ng pagkakataon.”
Yan ang mga salitang iniwan niya saka umalis.

Agad kong tinungo ang aking kwarto at nag-isip. Inisip ko ang lahat-lahat ng sinabi niya. Ako man, umasang magkikita kaming muli. Pero di ko inaasahan ang maging kaibigan siya hanggang sa nagtapat na nga siyang gusto niya ko. Aminado ako, maraming katangian ang meron siya na gusto ko. Pero hindi ko alam kung handa na ba akong magmahal ulit.

Araw-araw may nagpapadala ng bulaklak sa opisina. Minsan ay siya ang sumasadya sa bahay para magdala ng pagkain, bulaklak at kung ano-ano. Kadalasan, niyayaya niya akong lumabas.

Di nagtagal, nahulog na rin ang loob ko sa kanya.. May takot man, pakiramdam ko handa na kong magmahal ulit.

“Handa na ‘ko.” sabi ko.
“Handa na ‘kong magmahal ulit. Sumubok ulit. May takot man na masaktan ako ulit, susugal ako kapalit ang kaligayahan ko na ikaw ang kasama.”
 “Mahal na mahal kita Claire. Hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sa damdamin mo.” Sambit niya sabay yakap sa akin.

Naging masaya ang pagsasama namin. Halos araw-araw pa rin ang pagbibigay niya ng bulaklak. Pero ngayon di na niya pinapadala. Inaabot nalang niya sa akin sa opisina. Sumasakay na ulit ako sa bus. Sa pagkakataong 'to palagi na akong nakangiti, nakasandal sa balikat ng taong mahal ko habang nakikinig kami ng magandang kanta sa earphones ko. Masaya naman ang ilang katrabaho namin sa kung anong meron kami. Pero ilang buwan din ang lumipas, lumipat ako ng ibang kumpanya para na rin maiwasan ang sasabihin ng iba. Ang buwan naging taon. Tatlong taon na rin ang tinatakbo ng pagsasama namin. Masaya kahit minsan may hindi kami napagkakaunawaan pero sa mga di pagkakaintindihang yun wala ni minsan nasangkot na iba. Kadalasan kakulangan sa oras pero nagagawa naman naming solusyunan.

Nasa ikaapat na taon na kami ng aming pagsasama. Taon kung saan niyaya na rin niya kong lumagay sa tahimik. Sino ba naman ako para tumanggi?

Santisimo Rosario Parish Church. 4pm.

Suot ang traje de boda, naglalakad ako palapit sa taong nagpahalaga at nagparamdam sa akin ng pagmamahal sa araw-araw. Ang lalaking hindi nagsawang iparamdam sa akin na mahal niya ko at nagpatunay sa akin kung gaano kahalaga ang pag-ibig. Ang lalaking pinasasalamatan ko sa pagtulong sa akin na hanapin ang tunay na kaligayahan. Sa tinagal-tagal, muli ko na namang naranasan ang umiyak. Ngunit sa pagkakataong ito, ang naging dahilan ay lubos na kaligayahan.

Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills your mind.
You finally find you and I collide..


Tuesday, October 9, 2012

Bangenge.

Simula noong sabado, hindi na ako nahinto sa pag-inom. Nagsunod-sunod ang mga araw na parati nalang akong nayayaya sa inuman na di ko naman matanggihan. Ang unang gabi, nagtawag ako ng uwak sa pinaghalo-halong grenadine, empe lights at pineapple juice. Ikalawang gabi naman e nagpakalunod ako sa san mig light. Dahilan ng pagsakit ng sikmura ko at pakiramdam na parang lagi nalang masusuka. Nakapagpahinga naman ako ng lunes pero ngayong araw, 10:30 pa lang ng umaga e nakikipagbuno na ko sa empe lights.

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang panginginig ng binti at pamamanhid ng kamay ko na para bang may maliliit na karayom na tumutusok sa mga daliri ko. Tangina ipekto to ng walang kain at sunod-sunod na pag-inom. Kahit ilang ulit kong sabihing ayoko na, lalabas naman akong kj sa mga kaibigan ko kung di ko sila pagbibigyan.

Last na bukas at sa friday! Magpapahinga naman ako ngayong weekend!

Friday, October 5, 2012

Haaay bwisita! :))

Nagkita kami kannai ng bestfriend ko para tulungan siya mag-inquire sa storyland para sa darating na birthday ng pamangkin niyang si Gab.

Gab

Very cutie patootie no? Hehe. So ayun nga, nagpunta kami ng sm san lazaro. :D Matapos naming ayusin ang mga dapat ayusin, tinamad pang umuwi sila bhie kaya tumambay muna sila dito sa apartment. 


Grabe lang silang mambulabog dito sa apartment nako! Walang kasawaang pagpipicture at gumawa kami ng video namin ng oppa gangnam style! Hahahaha! Nakakapagod pero sobrang saya naman. :) Tiyak na mapapadalas ang pagtambay nitong mga 'to rito. At home na at home e. Hehe.



Thursday, October 4, 2012

Pagpapatawad.

Di maiiwasang may mga pagkakataong nasasaktan tayo ng mga mahal natin. Sinasadya man o hindi, minsan kapag nasaktan tayo yung pagmamahal, natatabunan ng galit. Halos isumpa mo yung taong nanakit sayo, galit ka sa mundo, iniisip mo unfair. Maawa ka sa sarili mo.. Na kung bakit pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, yun pa ang naging balik sayo.

Pero kung iisipin, yang bang galit na ibinuhos mo para tabunan ang pagmamahal mo nakapagpasaya sayo? Bukod sa lungkot, nagdadag ka pa ng sama ng loob. Wala ring naidulot na maganda at naging dahilan pa ng pagbigat ng pakiramdam mo.

Bakit di nalang "Learn to forgive and forget then start a new."? Mananatili sila di man sa paraang nais mo, at least parte pa din sila ng buhay mo. Walang aalis. Yung galit na ibinuhos mo, mawawala. Gagaan yung pakiramdam mo at maibabalik mo na din yung dati mong sigla.

May mga bagay man na hindi umaayon sa gusto natin marahil ay hindi pa siguro panahon. Panahon lang naman ang makakapagsabi kung anong nag-aabang sayo para bukas at sa mga susunod na araw.

Dumarating ang mga bagay na ninanais mo sa panahong pinaka hindi mo inaasahan. Enjoy life. Patuluyin ang nais maging bahagi ng buhay mo. Malay mo isang araw, dumating din ang pinapangarap mo.

:)

Litrato

Ito po yung link nung mga pics. SITEL 2012

will delete after a week.

Kamerang Malas?

Minsan ko lang talaga gamitin 'tong camera ko. Gusto ko mang magphotowalk, natatakot naman akong mag-isa. Kapag may mga yaya ng shoot, busy naman ako. Kadalasan kong nadadala ito kapag may kaunting pagtitipon akong napupuntahan.

Nung una, sinama ko ang espesyal na tao sa buhay ko noong reunion namin. Masaya ang naganap na pagtitipon. Ang inuman, maging ang kwentuhan. Di nagtagal matapos ang inuman nagkalabuan na kami nung someone special ko. Magulat gulat nalang ako, sila na pala nung tropa ko. Haha. ang saklap lang dre.

Pangalawa, bitbit ang kamera ko e isinama naman ako sa probinsya ng isa ring espesyal sa buhay ko. Masaya naman ang nasabing outing. Kanya-kanyang luto at kuha ng picture. Tangina nung makauwi kami ang ending e natapos na rin ang kung anong namamagitan sa amin dahil sa di pagkakaunawaan.

Sa susunod nga ayoko ng gagamitin ang kamera kong 'to para kuhanan ang mga mahal ko sa buhay. Parang may dalang kamalasan e.  Baka mamaya ang susunod niyan e mawala na siya ng tuluyan! Nyahehehehe.

Ang masakit lang dito, wala na nga sila, nag-iwan pa sila ng ala-ala sa bwisit na kamerang to. Obligado pa kong mag-upload ng mga litrato. Oh well papel. Pasakit! Hahaha. Charaught.

The Lover's Dictionary.

Ito ang ikalawang beses na binasa ko ang librong ito na isinulat ni David Levithan. Kung ikukumpara sa ibang novel books, kakaiba ang estilo ng pagsulat ni David. Inilathala niya ang istorya ng dalawang nag-iibigan tulad ng isang dictionary. Ibat ibang senario o sitwasyon tungkol sa pagsasama nila ang mababasa mo sa bawat alpabeto. Masaya at malungkot. Isa pang kagandahan dito ay ang dalawang bida na di pinangalanan at maging ang kanilang kasarian ay hindi inilathala. Sa pagbabasa ko nitong The Lover's Dictionary hindi ko mapigilan na makita ko ang sarili ko sa bawat karakter. Nakakarelate ako sa ilang sitwasyon. Yung nasa isip ng bawat karakter, yung mga kilos.. Yun ang nakakarelate e. Napagtanto ko na sa buhay magmamahal tayo masasaktan, magbibitaw ng mga bagay na pagsisisihan natin sa huli. Makakalimutan natin ang kahalagahan ng sarili natin kapag nalulong tayo sa pag-ibig. Gumagawa tayo ng desisyon o pagpili na kadalasan e naglulugmok sa atin. Minsan ang pag-ibig nagtatapos ng maganda, kadalasan masakit.. Pero sa pag-ibig, masaya o malungkot, magbibigay ito sa iyo ng maraming aral para magbago ka. Matututo ka sa lahat ng masasakit na idudulot nito sayo.. Pero ang maganda rito, matapos kang sirain, bubuuin ka nito at itong mga karanasang ito ang magiging dahilan kung anong klase ng tao ka ngayon.

"This book made me want to fall inlove again." ayon kay Brendan Cowell.

Sabi ko parang ayoko nang umibig muli.. Pero nung mabasa ko ulit tong The Lover's Dictionary, yung masasaya at malungkot na pinagdaanan ng bawat karakter, pinamulat sa akin ng librong to ang makulay na buhay kapag may pag-ibig. Yung saya sa pakiramdam na inaasam ng karamihan. Yung to love and be loved na pinakamasayang pakiramdam daw sa mundo. Sinabi ko na ayoko na. Pagod na ko sa walang humpay na pagsugal sa pag-ibig. Pagod na ko sa pauli-ulit na sakit na nararamdaman ko sa tuwing natatalo ko sa pagpusta sa kaligayahan ko. Pero dahil kay David, sa librong 'to.. Sinabi ko sa sarili kong may ilalaban pa ko. Gaya ni Brendan Cowell, I want to fall inlove again in the right place and the right time.

Narito ang ilan sa mga naging paborito ko:

abyss, n.
There are times when I doubt everything. When I regret everything you've taken from me, everything I've given you, and the waste of all the time I've spent on us.

arrears, n.
"it was a mistake" you said. But the cruel thing was, it felt like the mistake was mine, for trusting you.

basis, n.
There has to be a moment at the beginning when you wonder whether you're inlove with the person or in love with the feeling of love itself. If the moment doesn't pass, it never goes most often disabused are notions.

breach, n.
I didn't want to know who he/she was, or what you did,or that it didn't mean anything.

breathtaking, adj.
Those mornings when we kiss and surrender for an hour before we say a single word.

catharsis, n.
I took it out on the wall.

I LOVE YOU. I LOVE YOU. YOU FUCKER, I LOVE YOU.

corrode, v.
I spent all this time building a relationship. Then one night I left the window open, and it started to rust.

detatchment, n.
I still don't know if this is a good quality or a bad one, to be able to be in the moment and then step out of it. Not just during sex, or while talking, or kissing. I don't deliberately pull away - I don't think I do - but I find myself suddenly there on the outside, unable to lose myself in where I am. You catch me sometimes. You'll say I'm drifting off, I'll apologize, trying to snap back to the present.
But I should say this: Even when I detach, I care. You can be separate from a thing and still care about it. If I wanted to detach completely, I would move my body away. I would stop the conversation midsentence. I would leave the bed. Instead, I hover over it for a second. I glance off in another direction. But I always glance back at you..

dispel, v.
It was the way you said, "I have something to tell you." I could feel the magic drain from the room.

dissonance, n.
Nights when I need to sleep and you can't. Days when I want to talk to you and you won't. Hours when every noise you make interferes with my silence. Weeks when there is a buzzing in the air, and we both pretend we don't hear it.

dumbfounded, adj.

And still, for all the jealousy, all the doubt, sometimes I will be struck with the kind of awe that we're together. That someone like me could find someone like you - it renders me wordless. Because surely words would conspire against such luck, would protest the unlikelihood of such a turn of events. I didn't tell any of my friends about our first date. I waited until after the second, because I wanted to make sure it was real. I wouldn't believe it had happened until it had happened again. Then, later on, I would be overwhelmed by the evidence, by all the lines connecting you to me, and us to love.

elliptical, adj.
The kiss I like most is one of the slow ones. It's as much breath as touch, as much no as yes. You lean in from the side,and I have to turn a little to make it happen.

ethereal, adj.
You leaned your head into mine, and I leaned my head into yours. Dancing cheek to cheek. Revolving slowly, eyes closed, heartbeat measure, nature's hum. It lasted the length of an old song, and then we stopped, kissed, and my heart stayed there, just like that.

exacerbate, v.
I believe your exact words were: "You're getting too emotional."

fallible, adj.
I was hurt. Of course I was hurt. But in a perverse way, I was relieved that you were the one who made the mistake. It made me worry less about myself.

flux, n.
The natural state. Our moods change. Our lives change. Our feelings for each other change. The song changes. The air changes. The temperature of the shower changes. Accept this, we must aceept this.

healthy, adj.
There are times when I'm alone that I think, This is it. This is actually the natural state. All I need are my thoughts and my small acts of creation and my ability to go or do whatever I want to go or do. I am myself, and that is the point. Pairing is a social construction.It is by no means necessary for everyone to do it. Maybe I'm better like this.Maybe I could live my life in my own world, and then simply leave it when it's time to go. 

juxtaposition, n.
it scares me how hard it is to remember life before you. I can't even make the comparisons anymore, because my memories of the time have all the depth of a photograph. It seems foolish to play games of better and worse.It's simply a matter of is and is no longer.

leery, adj.
Those few weeks, after you told me, I wasn't sure we were going to make it. After working for so long on being sure of each other, sure of this thing, suddenly we were unsure again.I didn't know whether or not to touch you, sleep with you, have sex with you. Finally, I said, "It's over."

livid, adj.
Fuck you for cheating on me. Fuck you for reducing it to the word cheating. As if this were a card game, and you sneaked a look at my hand. Who came up with the term cheating anyway? A cheater, I imagine. Someeone who thought liar was too harsh. Someone who thought devastator was too emotional. The same person who taught , oops, he'd gotten caught with his hand in a cookie jar. Fuck you. This isn't about slipping yourself an extra twenty dollars of Monopoly money. These are our lives. You went and broke our lives. You are so much worse than a cheater.You killed something. And you killed it when its back was turned.

love, n.
I'm not going to even try.

lover, n.
Oh, how I hated this word. So pretentious, like it was always being translated from the French. The tint and taint of illicit, illegitimate affections. Dictionary meaning: a person having a love affair. Impermanent. Unfamilial. Inextricably linked to sex. I have never wanted a lover. In order to have a lover, I must go back to the root of the word. For I have never wanted a lover, but I have always wanted to love, and be loved. There is no word for the recipient of the love. There is only a word for the giver. There is assumption that lovers come in pairs. When I say, Be my lover, I don't mean, Let's have an affair. I don't mean sleep with me. I don't mean Be my secret. I want us to go back down to that root. I want you to be the one who loves me. I want to be the one who loves you.


misgivings, n.
Last night, I got up the courage to ask you if you regretted us. "There are things I miss," you said. "But if I didn't have you, I'd miss more."

only. adj.
That's the dilemma, isnt it? When you're single, there's the sadness and joy of only me. And when you're paired, there's the sadness and joy of only you.

raze, v.
It sounded like you were lifting me, but it all fell.

recant, v.
I want to take back at least half of the "I love you"s, because I didn't mean them as much as the other ones. I want to take back the time I said you were a genius, because I was being sarcastic and I should have just said you'd hurt my feelings. I want to take back the secrets I told you so I can decide now whether to tell them to you again. I want to take back the piece of me that lies in you, to see if I truly miss it. I want to take back at least half the "I love you"s, because it feels safer that way.

reservation, n.
There are times when I worry that I've already lost myself. That is, my self is so inseparable from being with you that if we were to separate, I would no longer be. I save this thought for when I feel the darkest discontent. I never meant to depend so much on someone else.

stanchion, n.
I don't want to be the strong one, but I don't want to be the weak one, either. Why does it feel like it's always one or the other? When we embrace, one of us is always holding the other a little tighter.

vagary, n.
The mistake is thingking there can be an antidote to the uncertainty.

yearning, n. and adj.
At the core of this desire is the belief that everything can be perfect.

It only took me a few hours to read this book. I'll never get tired of reading this over and over again. :)

Wednesday, October 3, 2012

It will all get better in time.

Sa buhay ng tao dumarating talaga na nasasaktan tayo. Napakaimposible namang lahat tayo hindi 'to pagdadaanan. Mahirap ibangon ang sarili mula sa matinding pagkakadapa pero wala naman tayong ibang magagawa.

Kamakailan nadapa ako, matindi. At hanggang ngayon e nakadapa pa rin ako. Umiiyak kasi mahapdi yung mga sugat ko e. Di ako makatayo. Pero dahil sa ilang mga kaibigan, sinusubukan nila akong itayo. Naiupo naman nila ako kahit papaano.

Sabi nga sa isang kanta: "It will all get better in time"

Tanging hiling ko lang, sana mapabilis ang proseso.

Salamat sa mga kaibigan ko, na pilit na nagpapangiti sa akin sa tuwing nadadapa ako.

Alam kong isang araw, itong pagkakadapa kong 'to, balang araw.. Sa tuwing maaalala ko, tatawanan ko nalang.

Tuesday, October 2, 2012

Panyo.


Sumakay ako ng bus na biyaheng ayala papuntang monumento.. Medyo punuan sa bus at buti nalang ay nakasakay ako na kahit papaano ay may ilang bakanteng upuan pa rin naman.

Naupo ako sa tabi ng isang babae. Nakayukyok siya sa kaharap na sandalan kung saan siya nakaupo. May kulay ang buhok, nakaearphones at nakasuot ng varsity jacket. Basang-basa siya. Siguro malayo ang nilakad nito at sumugod sa malakas na ulan. Panaka-naka ko siyang tinitignan dahil mukhang hindi ata mabuti ang pakiramdam nitong babae. Pasimple akong nagmamasid. Napansin ko ang pagpatak ng luha niya sa bag na kandong kandong niya at pigil na mga paghikbi. Nag-aalala ako at nag-iisip kung anong pwede kong gawin..

Agad kong kinuha ang panyo sa aking bulsa. Kinalabit ko ang babae.

"Miss..." sabay lahad ng panyo ko.

---

Lulan ako ng bus mula ayala papuntang monumento. Galing ako sa isang probinsya kasama ang isang espesyal na tao sa akin at mga kaibigan niya. Nung pauwi na kami, nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan, dahilan para di kami magkibuan sa biyahe. Bumaba kami sa St. Francis sa Shaw Blvd., mula doon sinugod namin ang malakas na ulan hanggang edsa. Walang kibuan at hindi nagsabay sa paglalakad. Dire-diretso niya kong iniwang nakatayo ng wala man lang pamamaalam. Masama ang loob na sinugod kong mag-isa ang malakas na ulan hanggang sa makarating ako sa terminal ng bus sa megamall. Pagkasakay na pagkasakay ko ng bus, hindi ko napigilan ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Agad na kumawala ang mga luhang kanina ko pa kinikimkim.. Binabaybay ng bus na sinasakyan ko ang kahabaan ng edsa habang ako nakayuko lang at patuloy na umiiyak. Kahit anong punas ang gawin ko, hindi pa din tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko..

Tatakbo at gagalaw
Mag-iisip kung dapat bang bumitaw
Kulang na lang, atakihin
Ang pag-hinga'y nabibitin
Ang dahilang alam mo na
Kahit ano pang sabihin nila
Tayong dalawa lamang ang makakaalam
Ngunit ako ngayo'y naguguluhan
Makikinig ba ako
Sa aking isip na dati pa namang magulo?
O iindak na lamang
Sa tibok ng puso mo
At aasahan ko na lamang na
Hindi mo aapakan ang aking mga paa..

Kasabay ng malakas na ulan, siya ring pagpatak ng mga luha ko.. Walang tigil.. sunod-sunod.. Inaalala ko ang lahat ng mga salitang binitawan niya sa akin na naging dahilan kung bakit sa di mabilang na pagkakataon sumugal ako sa pag-ibig. At lahat ng mga salitang yun.. binitawan lang.

Huminto ng cubao ang bus na sinasakyan ko para kumuha ng pasahero. May naupo sa tabi ko at di ko pinag-aksayahan ng panahong lingunin. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak..

Hanggang sa may kumalabit sa balikat ko.

"Miss.."  bulong ng lalake at may iniaabot na panyo.

Nakayukong inabot ko ang panyo mula sa kamay niya.. Di na ko nagdalawang-isip na kunin ang panyo dahil alam ko na sa pagkakataong 'to, panyo lang ang makakaramay ko.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Malayo ang tingin habang nakadungaw sa bintana. Wala na kong narinig mula sa lalaki.

North Edsa. Tumayo ang lalaki para bumaba. Agad kong hinawakan ang kamay niya. Isinosoli ko ang panyo.

Nginitian niya lang ako at naglakad na palayo sa kinauupuan namin.

Walang tigil ang pag-agos ng luha ko at maging ang pagbuhos ng ulan hanggang sa makarating ako ng monumento.  Pero sa pagkakataong ‘to.. May panyo na 'kong karamay kahit papaano.

Iniwan ko ang panyo sa kinauupuan ko kasama ang lahat ng sakit na nararamdaman ko at bumaba ng bus.

Sana lang, sa bawat pahid ko sa mga luha ko gamit ang panyo, siya ring unti-unting pagkawala ng lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Kuya, kung sino ka man.. Maraming Salamat.

---

Bumaba na ako ng bus. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit iniisip ko pa rin ang babaeng nakatabi ko sa bus na umiiyak. Ang mga mata niyang mugto sa pag-iyak. Nung hinablot niya ang kamay ko upang isoli ang panyo.. Nung katabi ko siya habang nagbibiyahe, gusto kong magtanong pero mas pinili kong wag nalang dahil malaki ang tyansang di rin naman niya ko sagutin. Hindi ko maintindihan kung bakit umaasa akong makasakay muli ang babae. Pero sana kung magkakataon, sa susunod na makakatabi ko siya.. Makita ko sana siyang nakangiti habang nakadungaw sa bintana at nakikinig ng magandang musika gamit ang earphones niya.


Ito ang aking lahok para sa Saranggola Blog Awards 4



Tema: Lakbay
Pamagat: Panyo
Kategorya: Maikling Kwento

Mga Sponsors: