Minsan ko lang talaga gamitin 'tong camera ko. Gusto ko mang magphotowalk, natatakot naman akong mag-isa. Kapag may mga yaya ng shoot, busy naman ako. Kadalasan kong nadadala ito kapag may kaunting pagtitipon akong napupuntahan.
Nung una, sinama ko ang espesyal na tao sa buhay ko noong reunion namin. Masaya ang naganap na pagtitipon. Ang inuman, maging ang kwentuhan. Di nagtagal matapos ang inuman nagkalabuan na kami nung someone special ko. Magulat gulat nalang ako, sila na pala nung tropa ko. Haha. ang saklap lang dre.
Pangalawa, bitbit ang kamera ko e isinama naman ako sa probinsya ng isa ring espesyal sa buhay ko. Masaya naman ang nasabing outing. Kanya-kanyang luto at kuha ng picture. Tangina nung makauwi kami ang ending e natapos na rin ang kung anong namamagitan sa amin dahil sa di pagkakaunawaan.
Sa susunod nga ayoko ng gagamitin ang kamera kong 'to para kuhanan ang mga mahal ko sa buhay. Parang may dalang kamalasan e. Baka mamaya ang susunod niyan e mawala na siya ng tuluyan! Nyahehehehe.
Ang masakit lang dito, wala na nga sila, nag-iwan pa sila ng ala-ala sa bwisit na kamerang to. Obligado pa kong mag-upload ng mga litrato. Oh well papel. Pasakit! Hahaha. Charaught.
No comments:
Post a Comment