Wednesday, October 3, 2012

It will all get better in time.

Sa buhay ng tao dumarating talaga na nasasaktan tayo. Napakaimposible namang lahat tayo hindi 'to pagdadaanan. Mahirap ibangon ang sarili mula sa matinding pagkakadapa pero wala naman tayong ibang magagawa.

Kamakailan nadapa ako, matindi. At hanggang ngayon e nakadapa pa rin ako. Umiiyak kasi mahapdi yung mga sugat ko e. Di ako makatayo. Pero dahil sa ilang mga kaibigan, sinusubukan nila akong itayo. Naiupo naman nila ako kahit papaano.

Sabi nga sa isang kanta: "It will all get better in time"

Tanging hiling ko lang, sana mapabilis ang proseso.

Salamat sa mga kaibigan ko, na pilit na nagpapangiti sa akin sa tuwing nadadapa ako.

Alam kong isang araw, itong pagkakadapa kong 'to, balang araw.. Sa tuwing maaalala ko, tatawanan ko nalang.