Tuesday, October 9, 2012

Bangenge.

Simula noong sabado, hindi na ako nahinto sa pag-inom. Nagsunod-sunod ang mga araw na parati nalang akong nayayaya sa inuman na di ko naman matanggihan. Ang unang gabi, nagtawag ako ng uwak sa pinaghalo-halong grenadine, empe lights at pineapple juice. Ikalawang gabi naman e nagpakalunod ako sa san mig light. Dahilan ng pagsakit ng sikmura ko at pakiramdam na parang lagi nalang masusuka. Nakapagpahinga naman ako ng lunes pero ngayong araw, 10:30 pa lang ng umaga e nakikipagbuno na ko sa empe lights.

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang panginginig ng binti at pamamanhid ng kamay ko na para bang may maliliit na karayom na tumutusok sa mga daliri ko. Tangina ipekto to ng walang kain at sunod-sunod na pag-inom. Kahit ilang ulit kong sabihing ayoko na, lalabas naman akong kj sa mga kaibigan ko kung di ko sila pagbibigyan.

Last na bukas at sa friday! Magpapahinga naman ako ngayong weekend!

2 comments:

TAMBAY said...

hinay hinay lang. ako nung sunday lang ulit naka inom ng alak. tapos ang susunod siguro eh hindi ko pa alam :)

s'ya ay tagay :)

Unknown said...

Nagkataon lang na nagsunod-sunod kaibigan. Tara shot! :D