Bakit kaya ganun? Parati nalang akong option. Ako yung parang laging hindi sapat. Minsan iniisip ko mahirap nga ba talaga akong mahalin? Dahil ba sa simple lang ako? Hindi kagandahan o maporma tulad ng iba. Dahil siguro sa mataba ako? Haha. Hindi ko alam.
Minsan sumasagi sa isip ko ang mga nakaraan kung saan kahit alam ko sa sarili kong ginawa ko naman ang lahat ako pa rin ang laging iniiwan. Matapos kong ibigay ang lahat para maipakita ang pagmamahal ko, sa huli ako pa rin ang sinasaktan.
Hindi ko maintindihan kung bakit may pumapasok sa buhay ko pero hindi para mahalin ako.. Lagi nalang nauuwi na iiwan at sasaktan ako. Dumarating ako sa puntong gustong-gusto ko nang sukuan 'tong paghihintay ko sa pagdating ng taong para sa 'kin.. Dyan sa letseng pag-ibig na yan.. Pero alam ko rin naman sa sarili kong ito lang din ang magpupuno sa pakiramdam kong kulang sa buhay ko.
Parang minsan pakiramdam ko ako yung tipo ng taong pag nasa isang crowd, ako yung huling huli na pipiliin. Parang ako yung pipiliin kapag wala ng choice.. Pag lahat napili na o napagpilian na.
Ni minsan hindi ko naranasang ako yung piliin out of millions of people. Kahit saang bagay hindi ako naging priority. Palaging second choice.
Sabi nila be yourself. Pero minsan gusto kong baguhin kung sino ako. Pakiramdam ko yung totoong ako sa karamihan hindi sapat.
Ang hirap kasi kapag lagi akong napag-iiwanan hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung ano bang kulang.. Ano bang mali? Mga tanong na hindi ko rin naman alam kung ano ang kasagutan. Minsan pakiramdam ko sinasaktan ko ang sarili ko. Tatanungin ko kung saan ako nagkulang gayong alam ko namang binigay o ginawa ko ang lahat ng makakaya ko..
Makakaya ko para ipakita na karapat-dapat akong mahalin.
Pero sa huli.. Iiwan ako.. Kasi.. Palagay nila, hindi ako sapat.
1 comment:
聊天室 , 聊天室 , 聊天室 , 聊天室 , 聊天室 , 聊天室 , 聊天室 , 聊天室 , 真爱旅舍 , 293视频聊天室最开放
Post a Comment